ZHIENNA'S POV
Hindi ko akalain na tratraydurin kami ni Jzel. Bakit? Bakit niya ginawa 'to? Bakit niya kami nagawang traydurin. Bakit niya 'to ginawa kay Violet?
"Ano ba talagang nangyayari?" Tanong ni Dark. Nagtinginan kami nila Lhara saka ako napalunok.
"Zhienna, 'wag mo na kaming lokohin. Inembestegahan kita nung about sa gun mo. And yes, tama nga ang nakita namin na totoo yun. Yung baril na nahawakan namin, hindi yun totoo kasi pinalitan mo ng laruan. Diba?" Napatingin ako kay kuya Shadow sa sinabi niya. Akala ko ba, naniwala sila na isang laruan lang yung nakita nila?
"Zhienna. Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Ivan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sila mommy! Kailangan ko silang puntahan.
Siguro ito na ang tamang panahon para malaman nila ang sekreto ko.
"We're gangsters." panimula ko dahilan para mabigla sila. Napatingin ako kay Lhara na ngayon ay nakayuko, si Rianne na hindi magawang tingnan sila. Si Eloize na nakikita kong nag-alalang mukha nito.
Tumingin ako kay Kyron na ngayon ay tumitingin sa akin. He's the only one na alam na isa akong gangster.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kian. Napakagat ako ng ibabang labi ko.
"Si Jzel ang may gawa kay Violet." sabi ko. Nakita kong napatingin sa akin si Ivan, sa mga nagdaang araw. Alam kong napalapit na ang loob ni Ivan kay Jzel.
"J-jzel?" Utal na tanong ni Ivan. Nakikita kong nag-alalang tingin nito.
"About your gun Zhienna. Ano yun? Bakit nandoon yun sa kwarto mo? Kaya ba palaging kang wala sa bahay dahil sa gangster ka?"
Napatingin ako nila Lhara at nakita kong nagtatanong na mukha nila. Alam kong hindi nila alam ang gawain ko, ayaw kong ipaaalam sa kanila dahil baka sumali sila. Pero, mukhang wala talagang sekretong mabubunyag.
"No."
"Then what?"
"Nagtratrabaho ako kay Lolo."
Tiningnan ko ang isa-isang reaksyon nila. Nakita kong nakakunot ang mga noo nilang nakatingin sa akin na tila ba hindi maintindihan ang sinasabi ko.
"What do you mean Zhienna?" Kuya Sam asked.
"Matagal na akong magtratrabaho kay Lolo. Siya ang nag train sa akin kung paano lumaban, kung paano protektahan ang sarili ko nung bata pa ako. At marami akong natutunan sa kanya, gusto kong makabawi kaya't nagtrabaho ako sa kanya. Nagtrabaho ako bilang Assasin. Pinapatay ko ang mga masasamang loob."
"The hell!" Mura ni kuya Shadow.
"Kaya ba, palagi kang pumupunta sa mansyon ni Lolo? Kaya ba, ikaw ang paborito ni lolo?" Kuya Sean asked.
Napatango nalang ako a sinabi nito. Pero naalala ko sila Mom!
"Please kuya mamaya niyo na ako pagalitan. Si Mom! Nanganganib ang buhay ni Mom!" Sigaw ko. Nakita kong napakunot ang noo nila.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Jzel! Pumunta siya doon. Hindi ko naman alam na siya yung gumawa kay Violet nung una kaya't nag volunteer siyang puntahan sila Mom!"
Mabilis na lumabas sila kuya sa room. Napatingin ako kay Dark na ngayon ay nakahawak ang kamay ka Violet. Napangiti nalang ako, tiningnan ako ni Dark at tumango ako sa kanya senyales na dito lang siya at bantayan si Violet.
Lumabas din ako sa room. Sumunod sa akin sila Lhara at sila Ivan kasama na si Kyron. Mabilis akong pumunta sa lamborghini ko. Pumasok si Kyron at sila Lhara. Habang yung iba ay may kanya-kanyang kotse.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
ActionZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.
