CHAPTER 7

5.2K 200 7
                                    

CHAPTER 7

IVAN'S POV

Mula pagkabata hanggang ngayon, naging matalik na naming kaibigan si Dark. Naalala ko pa noong mga panahong kailangan ko ng tulong ay hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako. Kahit alam ni Dark na isa akong tarantadong gago, nanatili padin siya sa tabi ko't sinasabayan sa mga kalokohan ko. At ngayon, naaawa ako sa lagay niya. Hindi ko matanggap na nasapian siya, ito na yata ang panahon para ibalik ang lahat na naitulong sa akin ni Dark.

Sabay kaming sumugod ni Gray at isinandal namin siya sa pader, kita kong naiiinis na siya at kita ko ang galit sa mata nito.

Napakalakas ng halimaw neto!

"Hey! What the f-ck are you two doing?!" sigaw nung halimaw sa amin.

Tologo bo? Petengene! Ang galing din umenglish ng halimaw na 'to.

Agad namin siyang sinuntok sa tiyan at kasabay doon ang pagkaupo niya. Pinatid pa namin si Dark at kita namin na nahihirapan na ito.

HAHAHA! Makawawala na ang espirito na nasa loob nito.

"Abrakdabra! Achuchu! Abrakdabra! Achuchu achuhu! Lumabas ka na masamang espirito! Pwede namang ako dahil mas gwapo ako!" sigaw ko sa kanya. Totoo namang mas gwapo ako, mas marami ngalang fans si Dark kaysa sa akin, pero mas gwapo ako sabi ni Mom. Hindi siya bias ha? Totoo naman talaga.

"Ivan! Tatayo oh!" sigaw ni Gray kaya dali ko siyan pinalo ng dust pan na dala ko. Sige! Ganyan nga! Maghirap ka.

"F-ck!" sigaw nito kaya kas lalo kaming natataranta. Grabeng halinaw na 'to. Siguro matalino ito.

Good in english? Check! tapos marunong pa itong magmura, saan ka pa?

"Walang hiya kang halimaw ka! Papatayin kita kapag hindi ka lumabas dyan!" sigaw ko at pinalo ulit siya ng dust pan.

Napahawak pa siya sa ulo niya dahil sa sakit. Tama! Ganyan nga! Dapat mong maranasan 'yan, walang hiya kang pumasok sa katawan ng aming kaibigan.

Kinuha ko ang kwelyo nito at isinandal sa pader at sinuntok ko ulit ito sa tiyan saka pinatid kaya napaupo ulit ito.

"F-ck! You two are crazy! I will kill you!" tologo bo? Petengene! Bakit mas marunong pa 'tong umenglish keysa sa amin?

"Kian!" sigaw ni Dark kaya'y agad tumayo si Kian at tinulungan si Dark. Dali dali kaming lumayo sa kanilang dalawa.

Naku! Baka magwala 'yang halimaw na nasa loob ni Dark at ipakita ang super ultra mega powers niya para bugbugin kami? Hindi, para kainin kami? O baka para patayin kami?!

"What the f-ck?! Why did you two punch me?! You guys are insane!" sigaw nito kaya mas lalo kaming natakot ni Gray at nagyakapan pa kami.

"Bro! 'Wag kang lumapit kay Dark hindi siya 'yan!" sigaw ni Gray at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap namin.

"Nah, its him." sabi ni Kian kaya dali kaming naghiwalay kay Gray.

Nandiri pa kami sa sarili namin bakit kami nagkayakap? Parang nababakla na kami neto. Pinagpag namin ang sarili saka hinarap ulit silang dalawang mga baliw.

"Bro! Hindi 'yan totoo." sabi ko kay Kian pero hindi niya ako pinansin sapagkat ay tiningnan niya kami ng blangko.

"He's Dark." sabi nito kaya dali kaming lumapit kay Dark.

Agad kong hinawakan ang mukha nito at tinitingnan ang pasa niya, may black eye pa siya at sure akong ako ang sumuntok sa kanya. HAHA! Ang lakas kong sumuntok, proud na proud ako sa sarili ko lalo na sa taglay kong kagwapuhan!

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon