CHAPTER 35

2.2K 108 6
                                    

ZHIENNA'S POV

Sabado ngayon, nagbibihis ako dahil pupunta pa kami ng airport nila kuya para sunduin sila Mom and Dad.

Umaga ngayon dadating sila Mom at sila Jzel naman ay ngayong hapon. Pagkababa ko ay nakita kong nakabihis na sila kuya. Napatingin naman sa akin si Kuya Sean pero umiwas kaagad siya ng tingin. Naalala kong nag-imbestiga pala sila sa akin. Tss.

"Tara na?" tanong ni kuya Tristan, tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Inakbayan naman ako ni kuya Sam, hinayaan ko nalang siya, palagi naman siyang ganito.

Sumakay na kami ng kotse, iisa lang ang kotse namin, malaki naman 'to at kasya kami. Nasa pinakagilid ako dahil malapit sa bintana. Ng umandar na ang kotse namin ay napaupo ako maayos. Pagkalabas ng mansyon ay may nakita akong babae, nangunot ang noo kong mapagtantong nakatingin ito sa kotse namin. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya kasi nakacap ito pero nasa mga 40's na Siguro ito.

Binalewala ko nalang iyon at saka ko ipinikit ang mata ko. May-maya lang ay naramdaman kong huminto na ang kotse namin. Una akong bumaba sumunod sila kuya.

Pagkalabas namin ay nakita kaagad namin sila Mom and Dad na mukhang naghihintay sa amin, naglalambingan pa nga. Ew.

Unang lumakad si kuya Shadow Sumunod sila kuya at panghuli ako. Nakita kong nag-uusap sila, Nagkibit-balikat nalang ako hanggang sa makalapit ako ng tuluyan doon.

"Baby shin! Ang ganda mo, kahit ganyan ang suot mo." sabi sa akin ni Mom. Napaikot nalang ako ng mata ko saka ko siya ki-niss sa cheeks, kasunod si Dad.

"Baby shin. Naalagaan mo ba ng mabuti 'yang mga kapatid mo?" napatigil naman ako saka ako tiningnan sila kuya na nakatingin sa akin. Si kuya Tristan naman ay nakangising nakatingin sa akin.

"Alam mo ba Mom? Yang si Zhienna, minsan hindi na umuuwi sa bahay." sinamaan ko si Kuya Tristan na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin.

Papatayin ko talaga 'to!

Tiningnan ko naman sila Mom and Dad, si Mom naman ay itinaas-baba ang kilay niya niya kaya't napangiwi ako.

"Is that true baby shin? Anong ginagawa mo tuwing gabi? Nakikipagdate ka na ba sa mga boys? Hmm?"

"Mom/ Hon!" sabay kaming napatingin ni Mom nila kuya saka ako tumingin ni Dad na ngayon ay ang sama ng tingin ni Mom pati narin sila Kuya.

"What? I'm just asking, hindi ko naman sinabi na may boyfie si Zhienna. Kung meron man, magiging masaya ako. Sa wakas babae na ang anak ko."

Napatingin nalang ako kay Mom saka ako. Umiling-iling. Before, sinabi niya sa aking may Fiancé na ako, pero hindi ako pumayag kaya't ipinacancel niya. Ang akala niya'y kaya ako hindi pumayag dahil sa ako yung pipili pero wala naman talaga akong balak mag-asawa. Tatandang-dalaga nalang.

"Mom? Mas maayos ngang walang boyfriend 'yang si Zhienna. Kung hindi makakatikim talaga 'yun sa kamao ko." sabi ni Kuya Sam saka niya ipinakita ang kamao niyang hindi naman masyadong malaki.

"But mom. Meron siyang mga manliligaw."

Hinampas ko ang balikat ni kuya Shawn sa sinabi niya. Gago 'to ah. Sinong nagsabing magpapaligaw ako? Sinamaan ko siya ng tingin pero Binelatan niya lang ako.

"Really Baby Shin? At 'mga'? Ibig sabihin madami? Wow! Ang ganda talaga ng anak ko."

Napatingin nalang ako kay mom saka ko sinamaan ng tingin si kuya Shawn.

"Diba sabi niyo, hindi niyo papayagang manligaw sila sa akin? Bakit ngayon, parang pumapagay kayo?" sabi ko sa kanila.

"Ano?! Hindi niyo papayagang manligaw sila ni Zhienna. Ang bad niyo ha! Anong klaseng kuya kayo! Pinalaki ko kayo ng maayos tapos gaganyanin niyo lang si Zhienna!"

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon