ZHIENNA'S POV
Agad kong pinahurot ang lamborghini kong kotse. Maya-maya lang ay nakarating na ako sa mansyon ni Lolo. Aaminin kong namiss ko 'tong mansyon na ito kasi hindi na ako dumadalaw dito.
Sila Mom naman ay hindi niya bininisita si lolo kasi wala daw'ng siyang oras. Kung pwede sana ay si lolo nalang ang pumunta sa mansyon pero hindi din niya gusto eh. Ang dami kasi niyang trabaho.
Pumasok na ako sa mansyon at bumungad agad sa akin ang maids na bumabati. Puro tango lang ang sagot ko sapagkat ay gusto ko ng matapos ang misyon na ito.
Pumunta kaagad ako sa office ni lolo at nakita kong nakaupo ito sa swivel chair niya habang hawak niya ang isang folder. Yun siguro ang misyon ko ngayon.
"Lolo." sabi ko sa kanya dahilan para mapalingon siya dito. Nakita kong seryoso ang mukha nito.
"Nandito ka na pala Zhienna. Ito ang bago mong misyon." ibinigay nito sa akin ang folder kaya't binasa ko ito.
"Gangster?" Basa ko sa folder na nasa kamay ko ngayon. Ang nabasa ko kasi ay tungkol sa mga gangsters. Hindi ko 'to inaasahan dahil akala ko'y tungkol lang ito sa mga illegal na gawain o ano.
"Yes, ang nasa loob ng folder ay tungkol sa mga gangsters." nakakunot ang noo kong nakatingin kay lolo. Ano na naman kaya ang problema?
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng seryoso kaya't medyo kinabahan ako.
Si lolo lang ang nakaaalam na kasali ako sa isa sa grupo ng mga gangsters at ako pa ang namumuno nito. Ako mismo ang nagsabi sa kanya dahil noong bata pa ako ay tinuruan ako ni lolo kung paano makipag-away. Medyo hindi pa kasi matanda iyon si lolo kaya nakakakilos siya ng maayos. Tinuruan niya ako mismo sa pakikipag-away dahil sa nangyayaring trahedya sa akin noon. Noon ay palagi akong binubully, wala akong magagawa dahil nga isa akong maliit na bata at ang mga ka batch ko ay malalaki. Palagi nila akong binunully dahil daw mayaman ako. Ano naman kong mayaman ako? Ang sabi nila ay palagi daw kong nang-che-cheat sa klase at binabayaran ang mga teachers para makapasa ako which is hindi totoo. Kahit ano pa ang pinagbibintang nila sa akin noon. Noong elemantary palang ako. Kaya't nung nakita ko si lolo minsan na magpra-practice about sa taekwando ay nakikisama narin ako. At simula 'nun ay marunong na akong makipag-away.
Ako lang ang nakaisip na sumali sa gangster world at sinabihan ko si lolo. Hindi din naman siya hadlang.
"Yes Zhienna, may isang grupong pinapatay ang mababang ranggo sa gangster world. Inaabuso nila ang kapangyarihan nila, last week lang ito nangyayari. Hindi ko nasabi sa iyo dahil gusto ko munang magpahinga ka."
Tiningnan ko ang folder at nakita ko ang pangalan ng grupo na gumagawa ng pinagbabawal na gawain ng isang gangster.
"Blue Whale? Again? Sila na naman? Ang alam ko ay hindi naman kataas-taasan ang ranggo nila. Bakit nila ito ginagawa?" tanong ko kay lolo.
"That' t the point. Mababang uri sila ng gangster pero meron pang mas mababa sa kanila. Pinapatay nila ito dahil napapansin nilang pwede silang lampasan nito."
Napatawa ako ng pagak sa sinabi ni lolo. Bakit ba ganito nalang ang iniisip ng Blue Whale? Kung hindi nila ito ginagawa maaring tumaas ang ranggo nila. Dahil sa paggagawa nila ng illegal na gawain ay mas lalo silang bababa. Hindi din sila mahahanap ng mga ibang groups dahil magaling ito magtago. Alam ko din naman na ang iba ay walang pakialam dahil mas mataas sila sa Blue Whale.
"Mauuna na ako Lolo." sabi ko sa kanya nakita kong tumango ito.
Lumabas na ako sa office ni lolo at pumunta muna sa kwarto ko. Nagbihis muna ako at sinoot ang kinuha ang maskara ko, matagal ko ng hindi nabibisita ang gangster world.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AksiZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.