CHAPTER 47

2.1K 98 7
                                    

ZHIENNA'S POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nilason ako. Mabuti nga at maayos na ako ngayon, hindi alam nila kuya at nila Mom about nun kasi baka magtanong sila. Nandito ako ngayon sa likod ng building kasama ko si Kyron  na ngayon ay nakasandal sa kahoy at nakapikit.

Para kaming bumalik sa dati, yung dating nagkakilala pa kami. Yung dating walang problema. Yung dating mesteryoso pa sa akin si Kyron. Napangiti nalang ako saka ako umiling-iling.

"Zhienna?"

"Mmm?"

"Paano kung mawala ako? Paano kung malapit na pala ang araw ng kamatayan ko? Iiyak ka ba?"

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakapikit lang ito at dinadama ang hangin. Bakit naman niya naisipang itanong ang bagay na yun?

"Hindi, dahil hindi ka naman mawawala at hindi ka naman mamamatay diba?"

Iminulat niya ang mata niya at nakita kong ngumiti lang ito ng pilit saka tumawa.

"Oo nga, bakit ko ba naisipan itanong ang walang kwentang tanong na yun?" Sabi nito at umiling-iling pero nakita kong parang iiyak siya kaya't umiwas siya ng tingin.

"Umiiyak ka ba?"

Napalingon ito sa akin at nakita kong nagtatakang tiningnan niya ako saka ngumiti.

"Anong sinasabi mo? Wala ah." Sabi nito sa akin at sumandal ulit sa kahoy at pumikit. Umiling nalang ako saka sumandal sa kahoy.

"Pero kung mamamatay ako, wag mo kong kalimutan ha?" Napalingon ako sa kanya pero nakapikit lang ito.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan!"

"Ipangako mo Zhienna."

Hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya. Nagiging mesteryoso ulit siya sa akin, sa mga nagdaang araw ay hindi na kami nagkikita kaya't wala na akong alam sa kanya.

"Kahit na naguguluhan ako, pangako." sabi ko sa kanya. Iminulat nito ang mata niya saka siya ngumiti sa akin at nabigla nalang ako ng inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at pumikit.

ELOIZE'S POV

"Ano na naman ba?!" Inis kong tanong kay Eman na ngayon ay nakatingin sa akin ng nakangisi.

This days, palagi siyang sumusunod sa akin na parang tuta. Palagi siyang gumugulo sa akin, palagi siyang sumusulpot sa harapan ko. Palagi niya akong iniinis at mas nakakainis ang mukha niyang unggoy.

At ngayon sinusundan niya naman ako! Nandito ako ngayon sa library at matutulog sana ng sumulpot na naman itong unggoy na 'to.

"Ang ganda mo talaga." nandidiri ko siyang tiningnan. Ew. Palagi niya nalang yang sinasabi sa akin nakakadiri.

"Pwede ba?.Umalis ka sa harapan ko, nakakadiri kang tingnan." sabi ko sa kanya. Nakita kong ngumisi lang ito sa akin.

"Nakakadiri? O masarap akong tingnan?"

Nag aksyon akong nagsuka dahil nandidiri talaga ako sa kanyang pagmumukha.

"Oh? Hindi pa nga kita binuntis, nasusuka ka na? Ang lakas talaga ng charms ko." sabi nito sa akin at ngumisi. That's it!

Malakas akong tumayo at dinuro siya pero siya ay nakangisi lang sa akin kaya't mas lalo akong nainis.

"Hoy ikaw'ng unggoy ka! Umalis ka sa harapan ko! Alam mo bang, nandidiri ako sa tuwing nakikita yang pagmumukha mo!"

"Shhh!"

Napatingin ako sa paligid at nakita kong ang sama ng tingin sa akin ng mga tao dito kaya't umupo nalang ako. Ayan tuloy! Pinagalitan ako!

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon