CHAPTER 20

3.3K 141 0
                                    

ZHIENNA'S POV

Tiningnan ko ng masama si Dark na ngayon ay prenteng nakaupo sa tabi ni Dale. Anong ginagawa ng abnormal niyang dito?! Can't he see? Hindi siya nito close at mas lalong hindi kami close. Parang ang kapal naman ng mukha niya!

"Bro? I'm Dale, What's yours?" tanong ni Dale kay Dark. Tiningnan niya naman ito saka tinaasan ng kilay.

Aba! Bakla ba 'tong abnormal na 'to?!

"Are you interested in me?" napatingin naman ako sa kanya ng hindi makapaniwala. Diba?! Ang kapal ng mukha niya!

"Tss, I'm just introducing myself and I just want to know your name." sabi ni Dale at uminom ng Juice.

"Dark."

Namayani ulit ang katahimikan sa amin, gusto ko sanang sigawan si Dark kung bakit siya nakisabay sa amin! Gusto ko sana siyang sigawan na ang kapal ng mukha niya! Mas makapal pa sa lahat ng makapal!

"Dark? Bakit ka ba kasi nandito?" bored kong sabi sa kanya, kunyari walang pakialam pero sa kaloob-looban ko gusto ko siyang sapakin ng paulit-ulit!

"Hmm, pumunta lang ako dito then I saw you with this Guy. Wala naman akong kasama edi sumabay na ako sa inyo. Besides, friends naman tayo diba?"

Aba! Ang assumero naman nitong lalaking 'to! Friends daw! Eh magkaaway nga kami eh!

"Bakit ka pa kasi pumunta dito kung wala ka namang kasabay? Nakikisabay ka pa sa may kasabay." sabi ko sa kanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya mas lalo akong nagduda na bakla talaga siya.

Posible! Kasi diba? Gwapo si Dale tapos doon pa siya tumabi. Pwedeng gusto niya si Dale, napatawa naman ako sa kaloob-looban ko. Di ko inakala na ang hinahangaan nilang makapal ang mukha ay may darkest secret din.

"Bakit? Pwede namang makisabay sa inyo diba? Besides, libre ko."

"Tss, naka order na kami paano mo pa kami ilelebre?"

"Edi itapon ang kinakain niyo tapos oorder ulit ako."

Tiningnan ko naman siya ng masama pero ngumisi lang ito sa akin.

"Zhienna? I have to go to the CR. I'll be right back okay? Mabilis lang ako." sabi ni Dale.

Tumango ako sa kanya kaya't tumayo siya. Sinundan ko pa siya ng tingin at nawala na ito sa paningin ko. Tiningnan ko naman si Dark na prenteng nakaupo habang ngumingising nakatingin sa akin.

"What do you want Dark? Alam mo? Kung gusto mo ng away pwedeng 'wag ngayon? Kasi diba, nag eenjoy pa ako tapos ikaw. Bigla ka nalang susulpot at tuluyang sirain ang araw ko."

"Hmm? So, is he your special friend na sinasabi mo? Di hamak na mas gwapo ako." tiningnan ko naman siya ng nakakunot nag noo.

"What are you saying? You know what? Umalis ka na. Panira ka eh, kitang nag-uusap kami tapos biglang susulpot."

"Nag-uusap? Usap ba ang tawag sa may papahid pahid ng ketchup sa gilid ng labi mo tapos nakatingin pa kayo sa isat-isa. Usap ba ang tawag doon? Ang sabihin mo, kalandian ang tawag doon. Kitang public area ito tapos dito pa maglalandi."

Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala. God! Anong pumasok sa kokoti nito at ganyan siya makapagsalita.

"Nababaliw ka na ba? Syempre dapat punasan ang gilid ng labi ko. Alangan namang habang buhay nandoon ang ketchup. Matutuwa ka ba don?"

"Tss, at may pa tingin-tingin pa sa isa't-isa. Wow! Just wow, para-paraan ka din eh no."

Naiiinis na talaga ako neto ha! Grabeh siya makapagsalita! Bakit ba kasi sa lahat ng lugar ay dito pa!

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon