CHAPTER 43

2.5K 109 7
                                        

ZHIENNA'S POV

"So ayun na nga guys, hindi talaga pinili si Kong Tae-Gwang kay Lee Eun Bi, grabeh sobrang naiyak ako. Mas gusto ko pa naman si Tae-Gwang para kay Lee Eun Bi. Kagabi nga namumugto ang mata ko. Nakakainis kasi eh! Sobrang joyful niya pero sobrang nasaktan siya. Talaga! Hindi talaga ako makaka get-over!"

Nandito kami ngayon sa kotse ko, sinabi kasi nila na doon sila mag-aaral sa pinapasukan ko. Hindi ko nga alam na, nakahanda na pala ang lahat. Sinabi pa nila na dapat silang sunduin kaya wala na akong nagawa kundi, dinala ang Lamborghini ko.

Tapos hindi ako makakapag-concentrate dito sa pagmamaneho kasi ang ingay ni Rianne. Mabuti nga at katabi ko si Violet.

"Tumahimik ka na nga Rianne! Ang ingay-ingay mo kanina ka pa ah? Ano bang mapapala mo sa panonood ng K-drama? Alam mo bang, pumangit ka? Anong sinabi mo? 5:00 AM ka ng natulog? Kaya pala mukha kang losyang."

"Manahimik ka Eloize! Hindi ako mukhang losyang! Ang ganda ko nga, mas maganda pa sayo. Kaya ka iniwan ng boyfriend mo eh, hindi ka kasi marunong manamit!"

"Ba't mo sinali ang ex-boyfriend ko?! Hoy! Ang saya ko nga nung hiniwalayan niya ako, sobrang nag celebrate nga ako eh. Alam mo ba na kapag magkikita kami, hinihiling ko palagi na sana'y magbreak kami?"

"Ahh, kaya pala todo ka ng iyak ng iniwan ka? Sinong maloloko mo?"

"Gago ka Rianne!"

"Why so ingay? I'm trying to tulog here, pwede bang quite kayo? Ang sakit sa ears." sabi ni Jzel kaya't natahimik sila.

Napatingin ako sa salamin at kita kong ang sama ng tingin ni Rianne kay Eloize. Mabuti nga at hindi sila magkatabi, kung hindi makikita ko talagang nagsasabunutan na sila.

"Maganda naman ang mga buildings dito, pero mas gusto ko yung puro green. Yun bang, nature. But, yeah, ayos din naman 'to." sabi ni Lhara.

Napatingin naman ako sa katabi ko, nakatingin lang ito sa labas. Isa din ito eh, ang tahimik niya parang ako. Pero mas gusto kong ganyan nalang lahat ng mga ka gangmates ko, para naman hindi kami maingay.

"Stoppp!!!!!"

Mabilis 'kong hininto ang kotse ko dahil sa lakas ng sigaw Jzel.

"Ano ba?!" rinig kong sigaw ni Eloize, napatingin ako sa likod at nakita kong nag peace sign si Jzel.

"Sorry, nahulog kasi ang suklay ko hehe." nakita kong napairap si Eloize, at ako naman ay umiling lang saka ako nagpatuloy sa pagmamaneho.

Mga ilang minuto ang nakalipas ng nakarating kami sa school na pinapasukan ko. Nakita kong sumilip sila doon.

"Wow! This school is huge." sabi ni Lhara. Napatango nalang ako.

Nakita kong napapatingin sa gawi namin ang mga estudyante. Alam na naman nila na sasakyan ko 'to, at sanay na akong ganyan sila palagi.

"Bababa na ako." sabi ko sa kanila. Nakita kong napatango sila habang tumitingin sa bintana. Napailing nalang ako saka ako bumaba.

Medyo sanay narin ako sa uniform ko, kahit na masyadong maikli nasasanay narin ako. Pagkababa ko ay nakita kong namangha na naman silang tumitingin sa akin.

Napairap nalang ako ng palihim saka ko kinuha ang bag ko sa loob at sinarado iyon. Nangunot pa ang noo kong hindi pa bumababa ng kotse sila Jzel. Ang tagal.

Nakita kong bumukas ang pinto at unang lumabas si Rianne na nakasuot na ng uniform, may pa shades pa siya at bagay naman ito sa kanya.

Nakita kong mukhang nabigla ang mga estudyante pagkakita nila kay Rianne.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon