CHAPTER 6

6.3K 200 28
                                    

CHAPTER 6

ZHIENNA'S POV

"Ok na ba ang itsura ko?" tanong sa akin ni Eman. Inirapan ko naman siya dahil kanina pa niya binabanggit ang mga salitang iyon.

"Pang-ilan mo na 'yang tanong? Pang sampo? Pwede ba, manahimik ka nga dyan. Kahit ano pa ang sasabihin mo, hindi magbabago ang pagmumukha mo."

Kanina pa kasi siya tanong ng tanong, nandito kami ngayon sa hallway. Wala ng mga estudyante kasi oras na ng klase.

"Sagutin mo kasi ako." sabi niya at inayos ang blazer niya, ako? Eto. Nakaitim.

Buti nga at nagdala ako ng extra damit ko. Nakasuot ako ng oversized t-shirt na itim at saka naka pantalon na fitted. Yung may butas sa tuhod. Naka rubber shoes narin ako.

Si Eman naman ay naka suot ng uniform. Hindi kasi siya nadamay sa cake na itinapon ni Dark sa akin. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking iyon at naisipan niya pang tapunan ako.

Nakapamulsa akong naglalakad habang si Eman naman ay todo ayos sa neck tie niya. Nasa likod ko siya at nagsasalita mag-isa.

"Grabeh, baka pagkaguluhan ako. Ang gwapo ko talaga. Tss, ano ba 'tong necktie ko ang sikip. Okay naman siguro 'tong mukha ko, nakapulbos pa ako. Okay na din naman 'tong amoy ko." hindi ko na siya pinakinggan dahil palagi nalang siyang nagsasalita sa likod ko.

Nandito na kami sa room namin, classmate ko si Eman kasi 'yun ang gusto niya. Buti nga at pumayag si Dean, malaki kasi ang share namin sa school na 'to. Huminto ako at dahil sa katangahan ni Eman ay nabunggo siya sa akin.

"Aray!" sigaw nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag peace sign siya sa akin.

Binuksan ko ang pinto kaya napahinto 'yung teacher na balyena at tinaasan ako ng kilay. Tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Time na pala niya.

"Why are you wearing like that? I heard na ibinigay na sayo ang uniform mo!" sigaw sa akin ni balyena. Hindi ko nga alam ang pangalan niya tapos magsigaw-sigaw siya dyan sa akin.

"Oh really? I forgot." sabi ko sa kanya at pumunta sa upuan ko. Tinawag pa ako ni Eman pero hindi ko na siya nilingon. Bahala siya dyang magpakilala.

"Don't stare at me like that Miss, merong Transferee sa tabi mo." sabi ko sa kanya at sumandal sa upuan ko. Dahil doon ay lumingon siya sa tabi niya.

"Oh? A transferee again?" kita ko pang ngumiti ng malawak si Miss Balyena. Hindi sa masyadong harsh ako pero bakit hindi bagay sa kanya ang nakangiti? Mas komportable pa ako sa mukha niyang nakabusangot.

"Introduce yourself handsome." sabi ni Miss Balyena at nagwink pa. Napangiwi nalang ako sa inaasta niya.

"Hehe, thank you Miss." sabi ni Eman at nagwink. Ang landi talaga niya. Eto namang si Miss ay parang kinikilig.

"Good morning Ladies and Dudes. This handsome face in front of you are no---" hindi natapos ang sasabihin ni Eman ng nagsalita ako.

"Straight to the point Yam." sabi ko sa kanya.

Kita kong nanlalaki ang mga mata nila at ang iba namang girls ay halos mahimatay na, may iba namang napahawak sa puso nila na akala nila natamaan ng bala. Eh kung tamaan ko kaya sila ng totoong baril? Konting salita ko lang ang OA na, sarap din patayin.

Si Miss Balyena naman ay ang sama ng tingin sa akin, tapos 'yung mga lalaki ay nagtataka.

"Ehem, sorry Yam." sabi ni Eman kaya mas lalong nasaktan ang mga kababaihan. Ang OA nila, tawagan lang namin 'yun.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon