ZHIENNA'S POV
Nandito na ako ngayon sa harapan ng bahay ni Kian. Malaki din at pansin ko ring, ang ingay sa loob. Napakamot nalang ako sa batok ko saka ako nag doorbell.
Bumukas iyon at nakita kong isang maid iyon. Napatingin naman ito sa akin, ang gulo ng buhok nito at pansin kong mukhang napagod ata siya ng sobra.
"Sino po kayo?"
"Nandito ako para kay Kian." nakita kong nabigla siya saka siya nagkagat ang labi.
"Ehh kasi.. Ano eh."
Nangunot ang noo ko sa inaasta niya. Nakita kong parang nahihirapang siyang sumagot. Pansin ko ring panay ang tingin niya sa loob.
"What?" tanong ko sa kanya.
"Ehh kasi---"
"Yaya! Tumabi ka nga dyan! Buksan mo ang gate! Paharang-harang eh!" rinig kong sigaw sa loob. Nakita kong napakagat ang labi nito saka siya pumasok ulit at nakita kong binuksan niya lang pala ang gate.
Nakita kong may lumabas na itim na kotse at mabilis na lumayo.
"Don't ever comeback here old man!" rinig kong sigaw sa loob kaya't napatingin ako doon at nakita kong si Kian.
Eh?
"Kian?" napatingin ito sa akin ng nanlalaki ang mata habang humahakbang paparating sa akin.
"What are you doing here?" tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot kasi pansin kong ang laki ata ng eyebags niya at mukhang stress na stress siya.
Napabalik ako sa ulirat ng nag snap siya sa harap ko kaya't napatingin ako sa kanya at nakita kong nagtatanong na mukha nito.
"My mom invites you this dinner. Don't worry your friends will be there." sabi ko sa kanya kasi ayaw kong magtanong pa siya.
"Suitors huh?"
Napatango ako sa sinabi nito. Nakita kong napabuntong-hininga ito at nakita kong napayuko ito. Pansin ko talagang parang kakaiba siya ngayon. Mukhang ang dami niyang problema.
"Sorry kanina, dad ko pala 'yun." tumahimik muna ito at muling nagsalita. "Zhienna. Can you stay for a while here?" tanong nito sa akin. Nakita kong mukhang kailangan niya talaga ng makakausap kaya't napatango ako.
Nakita kong ngumiti ito pero alam kong pilit lang. Napipilitan siyang ngumiti. Nagsimula itong lumakad kaya't sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa loob ng mansyon nila, umakyat ito kaya't sumunod nalang ako hanggang sa nakarating ako sa isang mukhang kwarto.
Sinara niya ang pinto at pabagsak siyang umupo sa isang upuan doon.
"Pasensya na, kailangan lang talaga kita ngayon." sabi nito sa akin. Tumango lang ako bilang sagot kahit na, hindi ko talaga maintindihan ang sitwasyon nito.
Nakita kong napabuntong-hininga ito saka niya ginulo ang buhok nito at may kinuha siyang isang frame saka niya pinakita sa akin.
"This is my Mom." sabi nito. Hindi ako sumagot kasi nakita kong ang lungkot ng mukha nito.
"She left us." sabi nito at nakita kong napabuntong-hininga ito saka niya ibinalik ang frame sa nilagyan niya kanina.
"She died?"
"No." napahinto ako sa sinabi nito. Hindi ko alam pero ramdam ko ang lungkot sa kaniya.
"She left us with no words. With no reasons 2 years ago. Pero kahit ganun, hindi ko parin kayang magalit sa kanya." sabi nito sa akin.
"And just now. Nakatagpo ko ang mommy ko." sabi nito sa akin at nakita kong napatingin ito sa taas, mukhang pinipigilan atang tumulo ang luha niya.
"Nakita kong ang saya niya, Hindi mo talaga makikita ang mukha nitong may problema. And I asked her. Why did she left us? And I can't believe what she just answered."
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
ActionZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.