CHAPTER 36

2.1K 104 0
                                    

ZHIENNA'S POV

Nandito na kami ngayon sa mansyon naming anim, walang tao dito kami lang. Walang nagbabantay dito kami lang, hindi kami nag ha-hire ng mga maids o ano pa yan.

"I should rest ang sakit na ng paa ko. Bye na guys ha, punta lang ako sa kwarto ko. Baka hinahanap na ako ni Torong." sabi nito saka siya pumunta sa taas. Sinong torong? Baka boyfriend niya.

"Sino si Torong  Rianne? Hoy Rianne!" sigaw ni Eloize kay Rianne. Inirapan lang siya nito saka siya tuluyang umakyat na may kembot pang kasama.

"Sinong torong?" rinig kong bulong ni Lhara. Pati siya curious din, napatingin nalang kami kay Jzel na tumayo saka siya tumawa.

"Duhh! Torong is V. V is Torong. Why so curious with Torong ba?" napaikot nalang ako ng mata. Si Jzel ay may alam din siya sa k-pop, k-pop na 'yan kaso nga lang konti lang.

"I'll go up upstairs. I'll just sleep." sabi ni Violet saka siya pumunta sa taas. Napaupo nalang ako sa sofa. Hindi ako matutulog dito dahil nandoon sila Mom and Dad sa mansyon, baka ano pa isipin nila.

"Guys, sa mansyon ako matutulog. Nandoon sila Mom and Dad, at nandoon din sila kuya." sabi ko sa kanila. Nabigla nalang ako ng lumapit sa akin si Jzel saka niya hinawakan ang magkabilang-balikat ko.

"Anong sabi mo Zhienna? May mga kuya ka? Kyahhh!!! May mga kuya ka Zhienna?! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Rianne! May kuya si Zhienna!"

Nakanganga akong nakatingin kay Jzel at nakarinig ako ng yapak papunta dito at nakita ko si Rianne na tumatakbong papalapit sa akin. Ng makalapit na ito ay nakatingin kaagad siya sa akin.

"Talaga Zhienna? May mga Kuya ka? Gwapo ba? Makisig? Maputi, may kissable lips? Kamukha ba ni Jungkook? Ni suga? Ni V? Ano?! Bilisan mo! Sabihin mo sa akin!"

"Kung hindi kamukha sa mga idols niya? Kamukha ba ni Park Seo Joon? Ha? Ni Park Seo Joon? Gusto ko yung maugat ha."

Napahilot nalang ako sa sentido ko saka ko sila tiningnan ng bored.

"Mga pangit ang kuya ko, hindi sila kamukha ng mga iniidolo ko kaya pwede ba. Lumayo kayo sa akin, ang lapit niyo eh." sabi ko sa kanila. Lumayo naman sila sa akin.

Tumabi sa kaliwa ko si Jzel habang si kanan ko ay si Rianne. Napaikot nalang ako ng mata kong mahilig pala sila sa lalaki.

"Sigurado akong gwapo ang mga kapatid niya. Hihi, makilandi nga." rinig kong bulong ni Rianne. Napailing nalang ako saka ako tumayo at pumunta sa kusina.

"Mga hangal! Walang forever mamamatay din kayo, alam kong mag bre-break din kayo." Rinig kong sabi ni Eloize.

"Ang bitter mo!"

"Bakit? Totoo din naman yang mga sinasabi ko. Don't worry matutupad yang mga sinasabi ko."

Kumuha ako ng chips saka ako pumunta doon. Nakita kong nagningning ang mata ni Rianne at mabilis siyang pumunta sa akin. Ibinigay ko nalang sa kanya ang chips na kakainin ko sana.

"Ang ganda talaga ng mansyon natin." sabi ni Lhara. Napatango-tango lang kami sa sinabi niya.

Nakita kong may kinuha siya sa bag niya at nanlaki ang mata kong tiningnan ito.

"Possesive Series ba yan?" tanong ko sa kanya. Nakita kong pinatingin niya sa akin ang libro saka siya tumango.

"Yes, sige na. Mauna na ako." nakanganga akong nakatingin kay Lhara papaalis. Hindi ko akalaing bumabasa siya ng mga possesive series.

"Hahahahaha! Hindi ka pala inosente Lhara ha, basta seryoso. Hindi talaga inosente bwahaha." napangiwi nalang ako sa sinabi ni Eloize.

Kaming apat nalang ang nandito, si Jzel, Eloize at Rianne na ngayon ay punong-puno ang bibig nito.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon