CHAPTER 46

2.1K 82 4
                                    

ZHIENNA'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagpapahinga. Ang sakit ng katawan ko at hindi ko mantindihan kong bakit. Parang nahihilo ko o ano. Matutulog nalang ako baka mawala itong sakit na 'to.

Pero naalala ko ng muli kaming magtagpo ni  Wade kanina sa MiniMeh. Nung nakita ko ang mukha niya ay muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko na siyng kalimutan pero hindi siya mawala sa isip ko.

FLASHBACK

Nakahawak ako ngayon sa saksak ko. Putanginang nurse yun. Ipapahanap ko talaga yun. Yung pagngiti niya lang ay weird sa akin. Sino ba kasi yun?

"Putangina bakit ubos na ang chocolate?" Ang tinutukoy ko ay yung stick-o na flavor ay chocolate.

Inis akong tumalikod sa stick-o area pero nabigla ako ng pagharap ko ay nasa harapan ko si Wade. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

"Salamat at nagkita ulit tayo Zhienna. Alam mo bang palagi akong pumupunta dito para lang makita kita? At tama nga ako dahil nandito ka."

Napalunok ako ng makita kong nakangiti itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang sasagutin ko at napatingin ako sa hawak niyang stick-o.

Puros chocolate kaya't nagtaka ako. Hindi naman niya gusto ang chocolate bakit ang dami niyan?

"Oh?"

Nabigla ako ng ibinigay niya sa akin lahat ng dala niyang chocolate na stick-o. Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.

"Pasensya na kung inubos ko ang chocolate flavor na stick-o. Inubos ko kasi gusto ko ako ang bibili para sa 'yo."

Kapag nakikita ko siya, gusto ko siyang saktan dahil sa pagbitaw niya noon. Gusto ko siyang murahin kung bakit nandito na naman siya sa harap ko.

"Ba't mo 'to ginagawa Wade?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya pero wala akong pakialam.

Gusto ko siyang saktan pero hindi ko kaya. Bakit pa siya bumalik? Naaalala ko ang lahat ng ginawa niya sa akin nun. Kung paano ako umiyak, kung paano ako nasaktan nang iniwan niya akong luhaan.

"Gusto ko lang Zhienna."

Napatawa ako ng pagak saka ko siya tiningnan ng hindi makapaniwala.

"Pwes sa akin, hindi ko gusto Wade." sabi ko sa kanya. Nakita ko siyang nasaktan pero mas masakit ang ginawa niya sa aking pag-iwan.

"Sorry Zhienna..." sabi nito sa akin at hinawakan ang kamay ko pero dali ko itong winaksi. Hindi, hindi ko siya kayang mahalin.

"Bakit ka ba kasi nag sosorry Wade? Sinabi ko naman sayo na may kasalanan din ako sayo diba? Kasalanan ko ang lahat. Kung bakit tayo naghiwalay, kung bakit mo ako iniwan."

Napaiwas siya ng tingin at kita kong nasaktan siya sa sinabi ko. Mabait si Wade aaminin ko. Noon, pinangako kong siya ang papakasalan ko pero hindi. Hindi kami pwede.

"Hindi Zhienna, ako ang may kasalanan ng lahat. Kung sana inintindi kita noon. Kung sana hindi ako bumitaw sa relasyon natin noon. Masaya sana tayo ngayon."

Seryoso ko siyang tiningnan at ibinalik sa kanya ang stick-o na binigay niya.

"Tumigil ka na Wade. Hindi ako masaya sa ginagawa mo ngayon, hindi ako masaya sa tuwing nakikita kita. Dahil babalik sa akin nung panahon na sinaktan mo ako."

Malungkot siyang tumingin sa akin. Pasensya na Wade pero hindi ako marupok. Hindi ko kayang umibig ulit sayo at sasaktan mo na naman ako.

"Then Zhienna, ano ang sagot mo sa tanong ko? Gusto kong malaman at sana ay magsasabi ka ng totoo Zhienna."

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon