ZHIENNA'S POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari sa amin ni kian. Pabagsak akong humiga sa kama. Unti-unti na nga akong nahuhulog kay Kian. Pero natatakot ako, natatakot ako na baka iwan niya ako. Katulad ng nangyari sa akin noon.
Natatakot ako na baka kung ipagpatuloy ko 'to. Ako na naman ang talo, ang sasaktan, ang iiyak. Kaya hindi pa ako handa, dapat kong pigilan ang nararamdaman kong ito.
Tumayo ako at pupunta sana sa banyo para maligo pero may nahagip ang mata ko. Nangunot ang noo ko saka ako sumilip sa bintana.
Tiningnan ko ang isang babae na hindi ko makikita ang mukha nito, gabi na kasi. Pero alam kong nakatingin ito sa mansyon. Sinuri kong mabuti ang taong ito, mukhang pamilyar siya sa akin.
Teka lang? Ito yung babaeng sumilip din sa mansyon nung nakaraang araw. Ano na naman ang ginagawa niya dito? Nabigla ako ng bigla itong ngumisi pero hindi ko kita ang mukha niya. Ngumisi siya na pamilyar para sa akin yun. Sino ba 'to?
Sinundan ko siya ng tingin ng umalis ito sa harap ng mansyon hanggang sa nawala na ito. Sino ba yun? Bakit parang kinakabahan ako.
"Zhienna!" napahawak ako sa dibdib ko ng may tumawag sa akin sa labas. Inis akong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si kuya Sam.
"Oh?"
"Si Dale hinahanap ka." nangunot ang noo ko saka ko siya nilagpasan. Bumaba ako at nakita ko si Dale sa baba.
Gabi na ah? Anong ginagawa niya dito? Pumunta ako sa kanya at nang makita niya ako ay tumayo ito.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na." sabi ko sa kanya. Nakasuot siya ng uniform at may bag din siyang dala. May kinuha siya sa nag niya at ipinakita sa akin ang notebook...ko.
"Bakit nasayo yan?" Tanong ko.
"Hiniram naman ito ni Charlotte. Sabi nito ako nalang daw ang magbigay." sabi nito sa akin. Tumango ako saka ko kinuha ang notebook.
"Gusto mo lang akong makita eh." sabi ko at nakita kong nanlaki ang mata niya at hinawakan ang batok nito.
"H-ha? Anong pinagsasabi mo?"
Nakita kong namula ang tenga nito kaya't napatawa ako sa kaloob-looban ko.
"Gusto mo lang akong makita."
Napaiwas ito ng tingin kaya't napatawa ako. Inilagay ko ang notebook sa sofa at kinuha ko ang bag nito at hinila siya sa labas. Papauwiin ko na siya, gabi na kaya.
"Umuwi ka na."
Inis niya akong tiningnan at kinuha ang bag niya. Napabuntong-hininga ito saka siya mukhang nahihiyang tumingin sa akin.
"Gusto lang talaga kitang makita." sabi nito at umiwas ng tingin. Napatawa nalang ako dahil namumula ang tenga nito.
"Sige, alis na ako." sabi nito at tinalikuran ako. Napailing-iling nalang ako at napatigil sa pagtawa. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa harapan ko
Kung mamahalin ko si Kian. Maraming masasaktan, maraming masasaktan dahil sa akin. Dahil minahal nila ako. Paano ko kakayanin kung makikita ko silang nasasaktan? Ang lahat ng mga 'manliligaw' ko? Kaya ayaw kong sagutin ang isa sa kanila. Dahil ayaw kong saktan sila kapag may sinagot ako. Pero paano naman itong nararamdaman ko? Hindi ko nalang ito papansinin?
"Ano 'yun?" Nabigla ako ng may magsalita sa tenga ko. Inis kong tiningnan si kuya Sam na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
"Kayo na ba?" Tanong nito. Napangiwi ako saka ko siya nilagpasan. Gagong 'to.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
ActionZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.
