ZHIENNA'S POV
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Napahinto ako sa paglalakad at agad na nangunot ang noo ko. Bakit gusto niya akong kausapin? At sa muli, muling tumibok ang puso ko. Napapikit ako ng mariin saka ko siya nilingon.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya. Napakagat ito ng labi kaya't Pinaningkitan ko siya ng tingin. Ano bang pag-uusapan namin?
Nakita kung bumuntong-hininga ito saka siya tumingin sa akin at ngumiti. Tila nahinto ang mundo ko ng ngumiti ito sa akin, ang ngiti niya. Ganun parin, pero iba ngayon. Makikitang peke ang ngiti niya.
"Kumusta ka na?"
Napakunot ang noo ko saka sa tanong nito sa akin. Yun lang ba ang gusto niyang pag-usapan? Tss.
"Okay naman." sabi ko sa kanya nakita kong napatango ito at namayani ang tahimik sa pagitan naming dalawa.
"Kung wala ka namang sasabihin sa akin Wade. Pwede bang, umalis na ako?" tanong ko sa kanya. Napatingin ito sa akin at nakita kong parang kay balak siyang sabihin.
Hinintay ko siyang magsalita pero hindi talaga. Napatawa nalang ako ng pagak saka ko siya tiningnan.
"Magkatitigan nalang ba tayo? Kung wala ka namang sasabihin. Aalis na ako." sabi ko sa kanya at akmang tatalikuran siya ng muli itong magsalita.
"Samahan mo muna ako." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Samahan? Saan?"
Tiningnan niya lang ako at ngumiti, napahinto ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Ngayon ko ulit naramdaman ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Nagsimula itong lumakad kaya't lumakad nadin ako. Parang.. Parang bumalik kami sa dati. Yung dating masaya pa kami...
Huminto siya sa counter at biniyaran ang sa kanya. Nabigla ako ng pati ang sa akin ay binayaran niya. Magtatanong sana ako pero muli niya akong hinila.
"Dito."
Napatingin ako at nakita kong dito lang pala sa loob ng MiniMeh. May mga lamesa kasi at upuan dito. Pinaupo niya muna ako at saka naman siya.
Hindi kami magkatabi, nasa harap ko siya. Napatingin ako sa dala niya. Stick-O at Yakult? Parang nag flashback ang dati sa akin. Yung panahong magkasama pa kaming kumakain ng Stick-O at umiinom ng Yakult.
Napatingin naman ako sa dala ko. Stick-O.
Tumingin ito sa akin at kumuha siya ng isang bote ng Yakult doon saka niya ito ibinigay sa akin, kahit na naguguluhan ako sa pinanggagawa niya ay kinuha ko iyon.
"Hindi ka parin nagbabago, Stick-O at Yakult padin ang paborito mo. Katulad ko."
Tiningnan ko siya ng nakakunot ng noo. Tingnan mo nga naman, parang hindi niya ako sinaktan noon. Tss.
"Hindi tayo magkatulad Wade. Kasi ako, isa lang ang gusto kong flavor ng Stick-O. Chocolate. Sayo hindi, marami ang gusto mo. Strawberry, Chocolate at iba pa. Kaya hindi tayo magkatulad. Sa akin isa ang gusto sayo naman, marami."
Nakita kong napakunot ang noo nito sa sinabi ko pero hindi ko nalang siya pinansin at binuksan ang stick-o ko. Binuksan ko rin ang yakult saka ko ito sinipsip.
"A-ahh. Oo pala." sabi nito sa akin. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy na kumain ng Stick-O.
"Ano palang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya at kumain ng isang Stick-O. Nakita kong napalunok ito at tumingin sa akin.
"I'm sorry Zhienna..."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, napatawa ako ng pagak saka ko siya tiningnan.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AcciónZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.