IVAN'S POV
Nandito ako ngayon sa room. Nag-iisip kung ano na naman ang gagawin ko kay Zhienna. Hindi naman talaga sila ni Kyron eh! Mali lang yun hinala namin.
After umalis ni Zhienna sa cafeteria. Nag-uusap muna kami. Bwesit kasi yung Dale eh, pinapalayo kami. Syempre, hindi kami sususnod sa kanya. Bakit sino ba siya? Hindi din naman niya girlfriend si Zhienna. Kaya wala siyang karapatan para sabihan kami na lumayo kay Zhienna.
Back tayo sa pag-iisip kong anong gagawin ko kay Zhienna para mapa-ibig siya. Kailangang hindi ako papalpak ngayon, di katulad kahapon. Malaking kahihiyan ang dinala ko!
"Ano Ivan? Naisip mo na ba na sukuan si Zhienna? Hmmmm?"
Tiningnan ko si Gray sa tabi ko. Tinaas-baba pa niya ang kilay niya. Ngumisi lang ako sa kanya.
"Hindi, hindi ko siya susukuan. At isa pa, hindi naman siya papatol sayong isip-bata."
Nakita kong nainis siya sa sinabi ko kaya't tumingin muna siya sa labas ng bintana saka tiningnan ako ng nakangisi.
"Hmp! Tingnan lang natin. Tinanggap nga niya lollipop ko, puso ko pa kaya."
Sinamaan ko nalang siya ng tingin saka ako nag-isip ulit. Hindi na ako nakinig sa dicussion, ang boring kasi.
Natapos ang second subject at recess na. Hindi muna ako sumama nila ni Dark. Kailangan kong mag-isip. Lalo na't gusto din ni Kian si Zhienna. Bakit na kasi napakaganda ni Zhienna? Ang dami tuloy nabihag niya.
"Bwahahaha, hindi ka na makapag-isip no? Sabihin mo na kasi. Hindi mo ko kaya."
Tiningnan ko naman si Gray. Nasa tabi ko pa pala siya, akala ko umalis na. Hindi ko siya pinansin saka ako umalis sa room. Pupunta nalang muna ako sa cafeteria. Nagugutom narin kasi ako kakaisip kong anong gagawin ko.
Pagkadating ko doon ay umorder agad ako. Tiningnan ko muna ang side nila ni Tristan. Pero wala siya doon.
"Itake out Muna lang miss." sabi ko saka kumidlat sa babaeng nagbebenta dito sa cafeteria. Kita kong kinilig siya.
Ha! Ang gwapo ko talaga. Bakit kaya hindi ako nagustuhan ni Zhienna? Dibale, not now but soon. Pero kailan?
Umiling nalang ako saka kinuha ang order ko. Tiningnan ko muna ang pwesto namin at nandoon si Kian at Dark. Lumabas na ako doon saka pumunta sa room nila Zhienna. Baka nandoon siya, natutulog.
Naglalakad ako sa hallway at ang daming tumitili sa pangalan ko! Hoo! Ang gwapo ko talaga. Hindi ko naisip na sinilang ang isang tulad kong pinakagwapo sa balat ng lupa.
Pagkadating ko sa room ay hinanap ko kaagad si Zhienna. At tama nga ako! Nandoon siya sa pinakalikod at pinakasulok. Nakaub-ob sa lamesa. Siya lang ang nandito kaya't masosolo ko siya. Bwahaha!
Hinay-hinay akong naglakad patungo sa kanya. Syempre, susurpresahin ko siya. Bawat lakad ko ay napakahinay habang nakatingin kay Zhienna. Bakit ba puros itim siya?
Nung nasa harapan na ako sa kanya at tatawagin ko na sana ang pangalan niya ng may kinuha siya sa ilalim ng mesa saka tinutok sa akin.
Nabigla ako at napalunok na nakatingin sa kutsilyong nakatutok sa akin. Ng tumingin siya sa akin ay binaba niya ang kutsilyo niya saka binalik iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Ako pa ang nasurpresa!
"What are you doing here?"
Grabeh! Pati boses niyabay parang patay. Lumunok muna ako saka umupo sa harapan niya. Binaliktad ko pa ang upuan. Ngumiti ako sa kanya saka nilabas ang dala kong paper bag.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AcciónZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.