CHAPTER 17
ZHIENNA'S POV
Matapos naming kumain ni Dark sa Paradise Restaurant na iyon ay sumakay na kami ng kotse niya.
Nandito ako ngayon sa front seat habang siya naman ay nagdradrive, tahimik lang kami at walang balak magsalita sa amin. Hindi naman kasi kami close, at isa pa. Magkaaway kami, hindi ko nga naintindihan kung bakit niya ako dinala sa Paradise Restaurant na iyon.
"Malapit na tayo sa mansyon niyo." sabi nito sa akin. At ang ipinagtataka ko pa sa kanya ngayon ay kung bakit napakabait niya, at isa pa. Paano niya nalaman ang mansyon namin?
"Paano mo nalaman ang mansyon namin?" tanong ko sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng tingin kung ano ang magiging reaksyon niya.
Kita ko namang napahigpit siya ng hawak sa manibela niya. Tss, ano kayang iniisip neto?
"Alam ko, kasi alam ko kung saan ang bahay nila Shadow." sabi nito sa akin.
Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya saka ako tumingin sa labas ng bintana.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa mansyon namin, napatingin naman ako sa labas dahil nandoon sila kuya na mukhang naghihintay sa akin. Kita ko nga ang pagkakunot ng noo nika habang tumitingin sa kotse na ito.
Lumabas si Dark kaya napatingin sila doon, hindi muna ako lumabas at tinitingnan silang nag-uusap. Kasi pansin ko kasing, kapag magkwekwento ako nila kuya ay parang galit na galit siya.
Kita ko naman ang pag-uusap nila. Si kuya Tristan at Kuya Shadow lang ang nagsasalita, napalingon naman ito sa kotse ni Dark kaya lumabas na ako doon at tiningnan sila ng walang reaksyon sa mukha.
Pumunta ako sa kanila saka ako nagkibit-balikat. Tumango sa akin si Dark senyales na aalis na siya kaya tumango ako.
Sinundan pa namin siya ng tingin saka nawala na siya sa paningin namin. Tumingin ako nila kuya shadow na ngayon ay nakatingin sa akin ng masama.
Ano? May ginawa ba ako?
"Bakit kayo magkasama ng gagong 'yun?" tanong sa akin ni kuya Tristan. Tiningnan ko naman siya ng bored.
"Hinila niya ako eh tapos dinala sa paradise restaurant. 'Yung dating pinupuntahan ko bago mawala si Dale." sabi ko sa kanila.
Si Dale ay ang tangi kong naging kaibigan nung namuhay ako sa pilipinas two years ago, he is my childhood bestfriend since hindi ako mahilig sa girly stuffs noon. She is my special friend I am talking about kanina kay Dark. Pumunta lang ako sa U. S. nung nawala siya dahil nalungkot ako sa pagkawala niya. At noong nasa U. S na ako ay doon ko nakilala si Eman, ang boybesfriend ko ngayon. Ang pangawalang boybesfriend ko.
"Bakit naman kayo pumunta doon? At kayong dalawa lang." sabi naman ni kuya Vernon.
I rolled my eyes saka tiningnan sila.
"Come on? Are you thinking na meron kaming something? Tss, hindi ko 'yun gusto. Kaaway ko nga eh, diba nakita niyo kung paano ko sila pinapahiya? Tawang-tawa nga kayo nung nakita niyo ang video eh." sabi ko sa kanila.
Tiningnan naman nila ako saka itinaas ang kilay ni Kuya Sam
Tss, nababakla na ba siya?
"Then why are you two both eating some sh*tty dinner date?" tanong sa akin ni Kuya Sam.
"Tss, It's just a piece offering." sabi ko sa kanya.
Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko. Oh god! Ang sakit ng tiyan ko. Parang mas lalong sumakit.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AcciónZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.
