CHAPTER 33

2.2K 114 1
                                    

ZHIENNA'S POV

Nangunot ang noo ko habang nakatingin kay Tim na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin. Let's talk? Bakit close ba kami?

"Masyado ba akong gwapo para titigan mo?" tanong nito sa akin kaya't napangiwi ako. Tss, gwapong-gwapo sa sarili.

"I'm not one of your fan. Hindi lahat ng babae may gusto sayo dahil isa kang member ng isang sikat na band." sabi ko sa kanya. Nakita kong napataas ang kilay niya. Tss, bakla ba siya?

"Oh no. I know what you're thinking, I'm not gay." sabi nito sa akin. Pinaikot ko nalang ang mata ko saka ko siya tiningnan ng bored.

"Ano nga ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya. Nakita kong ang laki ng ngiti niya kaya't napakunot ako ng noo.

Nababaliw na ba 'to?

"Oh no, I know what you're thinking. I'm not crazy." napangiwi nalang ako sa sinasabi niya kasi yan din ang pagkakasabi niya kanina.

"You know what Tim. Hindi tayo close, hindi tayo magkaibigan, hindi ako isa sa fans mo. Kaya wala tayong dapat pag-usapan. At isa pa, Hindi nga kita kilala. Hindi pa tayo nagkita except nung band niyo." sabi ko sa kanya nakita kong ngumiti ito sa akin sakaniya tinaas baba ang kilay niya. Nababaliw na ba 'to?

"You're wrong Zhienna. Naging close tayo, naging magkaibigan tayo. Well, kung kaibigan nga ba ang turing mo sa akin noon. At isa pa. Nagkita na tayo noon, at bago pa tayo magkita sa band."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihing Noon? At anong sabi niya? Nagkita na kami bago pa mangyari ang band nila? Ibig sabihin. Tama ako? Na siya yung nasa Masquerade Party?

"Oh yes Zhienna. I know what you're thinking. I'm the man na naka partner mo sa Masquerade Party."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakita kong ngumiti ito sa akin habang ako ay nabigla sa sinabi niya.

"At ikaw din yung... "

"Yes, you're right. Ako ang nakakita sa 'yo sa pinanggagawa mo. Alam ko ang lahat ng gawain mo Zhienna."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Siya! Siya nga yung nakapartner ko sa masquerade Party at siya din yung kinausap ako nung maligtas ko ang mga bata.

At teka...

"You! Ikaw yung palaging sumusunod sa akin? Alam kong bawat misyon ko, may sumusunod sa akin. At nung sa mansyon. Ikaw yung pumunta sa kwarto ko last time diba? Hindi ka nga lang pumasok pero kitang-kita ko ang anino mo."

Nakita kong mas lalong lumaki ang ngiti nito saka siya tumango kaya't umupo ako saka ko hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"Yes. You're all right. I'm the guy in the masquerade party. Ako ang palaging sumusunod sa iyo, at ako ang nakita mong anino. At alam ko ang sekreto---"

Hindi ko pa siya pinatapos ng takpan ko ang bibig niya. Nakita kong napangisi ito kaya't sinamaan ko siya ng tingin.

"Sino ka ba talaga?! Ba't mo alam ang lahat sa akin? Bakit mo alam ang sekreto ko?" tanong ko sa kanya.

"Answer me!"

Tinuro niya ang kamay ko na nakahawak sa bibig niya kaya't inalis ko ito at nakita kong inayos niya ang damit niya saka siya ngumiti sa akin ng nakapalawak pero naging seryoso iyon. Sinenyasan niya pa akong umupo ulit kaya't umupo ako.

Sino ka ba talaga?

"Nakalimutan mo na ako."

Nangunot ang noo ko sa unang salitang binitawan niya. Nakalimutan? Sino nga ba siya? Hindi ko naman siya kilala pero bakit parang kilalang-kilala niya ako?

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon