RIANNE'S POV
Matapos umalis ni Zhienna ng hindi namin alam ang dahilan, sinabi niyang may gagawin siyang project? Imposible! Kahit na nagkakilala lamang kami dahil sa pagiging gangster namin ay aaminin kong napaka mesteryosa niya. At alam kong nagsisinungaling siya, base palang sa pagsasalita niya ay alam ko na. Saan kaya yun pupunta? Ang awkward kasi, kasama namin ang kuya ni Zhienna. Like duh! Alam kong gwapo sila pero hindi pa din kami komportable kasi bago pa kaming nagkakakilala.
"Hi Eloize."
Sabay kaming lumingon sa lalaking katabi ni Zhienna kanina. Kaklase namin ito kasi magkatabi sila ni Zhienna kanina. Sino ba 'to? Well, aaminin kong may itsura naman siya but ew. Mukhang isip-bata, gusto ko sana yung wild.
"Sino ka? Ba't nakapasok ang isang tulad mo dito?" Nagpapigil ako ng tawa sa sinabi ni Eloize. Broken-hearted kasi kaya nangako siya sa rili niya na tatanda siyang dalaga.
"Isang tulad kong Gwapo?"
Well, mahangin ito kaya diko type. Ayaw ko sa lalaking GGSS. Akala nila gwapo sila, mga jejemon naman.
"Isang tulad mong mukhang aso." napatawa kami sa sinabi ni Eloize. Ganyan talaga siya, manlalait kaya nga ako 'di ko gustong makasama si Eloize kasi manglalait eh.
"Grabeh ka naman Eloize. Well, let me introduce myself dahil hindi naman ako pinakilala ni Zhienna. I'm Eman Fuentes."
"Masyadong common ang pangalan mo. Pati pangalan ng ex ko ginaya mo? Nakakainis!"
Yes Eloize is right. Ang pangalan ng ex niya ang Eman. Ewan ko ba bakit Eman ang pinapangalan, masyadong common.
"Pero hindi naman ako ang ex mo. Mas mabuti pa ako sa ex mo, masyado siyang bobo para pakawalan ang isang tulad mo."
"Ew! Pwede bang 'wag kayong maghaharutan sa harap ko? Pakiusap, kadiri!" Sabi ko sa kanila.
"Yeah let's eat."
My jolly! Ang hot ni Tristan, sinasabi ko na nga ba may oppa din dito. Parang malalaglag na ang panty ko dahil sa anghel na nasa harapan ko ngayon. What if? Doon ako titira sa mansyon nila Zhienna pansamantala? Diba! Ang cool nun. Makikita ko palagi si Tristan. Tapos makikita ko siyang naka tuwalya lang. Ayieee!! Pwede din naman akong lumandi, tutal hindi naman malalaman ng mga asawa ko sa korea na nagtaksil ako sa kanila.
"Rianne parang kang tanga. Anong ningiti-ngiti mo dyan?"
Napatigil ako sa pag-iimagine ko ng nagsalita so Eloize. Epal talaga 'tong babaeng ito. Nakakainis! Sinamaan ko siya ng tingin pero balewala lang sa kanya.
Hindi ko talaga maisip kong bakit ko ka-gang mate itong si Eloize. Aminado akong magaling siyang lumaban pero kasi ang personality niya, yuck!
"Hi Tristan!" napatingin ako sa nagsalita. Sino naman itong witch na 'to? How dare him na kausapin ang baby ko. Nakakainis! Alam kong maganda siya pero mas maganda ako.
"Vanessa?"
"Yeah, kakarating ko lang galing U.S. last week. Pasensya na hindi kita nasabihan, busy kasi ako eh." ang landi naman nito! Anong paki din ni Tristan sa 'yo?! Gusto kitang kalbuhin. Putangina ka.
"It's okay Vanessa." sabi ni Tristan. Arghh!! Bakit ganyan siya makangiti kay Vanessa?!
"Kayo ba kuya?" Shawn asked.
"No."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Tristan. Atleast hindi sila, feeling naman 'tong Vanessa na 'to na maganda siya. Eh kung ihampas ko kaya ang mukha niya sa sahig?
"Close pala kayo? Noong una, magkaaway naman kayo ah?"
"We're not close. Hindi ako makikipagkaibigan sa taong umaway sa kapatid ko. Right Vanessa?"
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AcciónZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.