Amber's POV
"Hey cous! Wake up! Kasasabi ko lang di ba na kung pwede lang ay kalimutan mo na ang nakaraan. Kalimutan mo na sya. Mabuti pa ay magpahinga ka muna ng ilang linggo dahil wala ka nang inatupag kundi trabaho. Maging ang anak nyo ay nakakalimutan mo na din. Remember nandyan si Zember, may dahilan ka pa na maging masaya. Oo umalis nga sya, pero may iniwan naman sya para sayo. Kaya nararapat lang na maging masaya ka" pahayag ni Samantha sa akin kaya agad akong napa-isip nang malalim nang maalala ko ang anak namin.
Tama si Samantha sa kabila nang biglaan nyang pag-alis ay may iniwan naman syang napakagandang bagay sa akin.
"Tama ka nga Samantha. Siguro part iyon upang mas maging matatag ako, atlis sa kabila ng sakit na nararamdaman ko magpahanggang ngayon dahil sa pag-alis nya ay mayroon syang iniwan sa akin. Pero kasi hindi ko talaga mapigilang masaktan lalo na kapag nakikita ko si Zember, naaalala ko sya sa anak ko. Selfish man pero mahal na mahal ko talaga sya cous, hindi ko sya kayang i-let go" pahayag ko tsaka napabuntong hininga't napapikit
"Lalo na sa tuwing nagtatanong ang anak ko kung nasan na sya, habang tumatagal ay mas lalong nagiging curious yung bata. Mabuti na lamang ay nandyan si Jake, nililibang nya ang anak ko. And masaya din ako dahil kahit na hindi sya ang kinilalang ama ng anak namin ay itinuturing pa rin nya itong tunay na anak" napangiti ako nang maalala ko ang dalawang iyon dahil everything look perfect naman pero parang may kulang pa din.
Malaki ang utang na loob ko kay Jake, dahil nagawa nya akong panagutan at saluhin ang lahat ng responsibilidad sa anak ko. Kaya naman napamahal na din ako sa kanya, kahit na ilang beses ko na syang sinabihan na may mas karapatdapat na babae sa kanya. Ngunit nagmatigas pa din sya.
Nanatili sya sa tabi ko na parang tunay na asawa, sya ang nag-alaga at nagtanggol sakin. Hanggang sa isilang ko si Zember ay sya yung nanatili sa tabi ko. Kaya naman nagi-guilty ako, dahil magpahanggang ngayon ay nakikipag-kumpetensya sya sa taong wala na.
Alam kong nasasaktan si Jake, nararamdaman at nakikita ko iyon sa kanyang mga mata sa tuwing nahuhuli nya kami ni Zember na nag-uusap. Sa tuwing nakikita nya o tinatanong ako ng anak ko kung nasan ang dada nya. Hindi ko naman ipinagkait sa kanya na kilalanin ni Zember bilang papa/mama nya dahil may karapatan sya, maging kay Jake ay ganoon din.
"Mommy!" Bigla na lamang akong napalingon sa pintuan ng aking office nang bigla na lamang pumasok si Zember. Mabilis akong tumayo tsaka sya sinalubong nang napakahigpit na yakap. Pakiramdam ko ay matagal ko syang hindi nakita samantalang ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita
"Baby! Mommy miss you so much" turan ko habang nakakulong sya sa aking mga bisig
"Did you cry mom?" Tanong nya sakin nang humiwalay ako sa kanya, bigla akong napayuko tsaka pinunasan ang aking mukha at inayos ang aking itsura
"No baby, why?" Tsaka ako ngumiti sa kanya, hinawakan ng maliliit nyang kamay ang magkabila kong pisnge na lalong nagpangiti sakin
"Yes mom, you did. Di ba po sabi nyo bawal ang magsinungaling?" Tumango lang ako sa kanya tsaka ko hinawakan ang kanyang buhok
"yes baby, tama iyon masama ang magsinungaling" tsaka ko sya hinalikan sa noo at napapikit, sa pagpikit ng mata ko siya ang nakita ko.
After all this years, sya pa din ang laman ng puso at isipan ko. Hindi ko pa din matanggap hanggang ngayon na wala na sya sa piling ko. Hindi pa din ako maka-move on, kaya naman hanggang ngayon ay nakakulong pa din ako sa nakaraan.
Gusto ko mang kalimutan ang lahat, gusto ko man syang kalimutan ngunit hindi ko magwa. Dahil magpahanggang ngayon sya pa din ang may hawak at nasa puso ko kaya hindi ko magawang ibigay kay Jake ang puso ko, dahil iisang tao pa din ang tinitibok at isinisigaw nito.
YOU ARE READING
Into The Unknown (COMPLETED)
RomanceGxG story book two of The Popular Unknown Psychopath