PROLOGUE

3.1K 43 10
                                    

Life is an everyday adventure to me. Growing up in a big family means you have a lot of people to be with. Kahit kelan hindi mo mararamdaman na mag isa ka. Sa dami ba naman  naming magpipinsan sino ba naman ang mabobored di ba.



"Blair, come on. Hurry up." Dinig kong tawag sa akin ni Kuya Axl, my cousin.



Pilit kong binilisan ang pagtakbo pero wala talaga. Kanina pa ako hinihingal. Bakit ba naman kasi naisipan ko pang sumali dito?



"Blair bilisan mo pa. Maaabutan ka na ni Ryder." Sigaw naman ng isa ko pang pinsan na si Seraphina.



Kita ko naman si Ryder sa gilid ko na may malaking ngisi. Ang bilis talaga tumakbo ni kumag. Wala talaga sa itsura niya na magpapatalo siya kahit sakin na pinsan niya.



Napalingon naman ako sa kanan ko nang gitgitin ako bigla ni Wyatt.



"Wyatt, you freaking moron! Stop cheating!" Sigaw ko pa sa kanya.



"Survival of the fittest to, cous. Ayokong maging taya pagkatapos nito." Sabi pa niya at agad akong inungusan.



Sa sobrang inis ko ay binilisan ko na ang takbo. Ha! Baka nakakalimutan nilang nagchampion ako sa last year sa track and field. Ayoko naman sanang magseryoso pero masyadong madaya tong mga to.



"Whoo! Go Ate Blair. Go Ate. Konti nalang!" Rinig kong cheer ng kapatid kong si Selena.



I saw the finish line ahead of me. Hawak ni Jax and Ate Claudia ang tali sa magkabilang dulo. Lalo kong binilisan ang takbo nang makitang seryoso talaga sila Wyatt at Ryder na talunin ako.



"Blair, magpatalo ka naman." Rinig kong sigaw pa sakin ni Ryder. 



"Ulol! Walang ganun!" At binilisan ko pa ang takbo.



Sa huli, ako pa din ang nanalo. Pumangalawa si Wyatt habang kulelat naman si Ryder.



"Ang galing-galing mo talaga ate! Whoo."  Hiyaw pa ni Selena habang tumatalon.



"Grabe wala pa din kupas. Akala ko matatalo ka na ni Wyatt kanina." Sabi pa ng pinsan kong si Francheska.



"Wala pa din makakatalo. Xena Blair Greco for the win!" Sigaw naman ni Ate Claudia.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon