CHAPTER 9

658 32 1
                                        



Isang linggo pagkatapos magsimula ang deal namin ni Rogue, mukha na akong zombie na pumapasok sa school. Lagi akong puyat at pagod. Nagsabay-sabay na kasi ang mga gagawin ko. Walang araw na wala siyang pinapagawang project sa akin at mas nakakainis pa eh binibigay niya sakin kung kelan malapit na ang deadline. 

Dagdag pa na marami din kaming kailangang aralin at nagiging madalas ang mga oral recitation at class presentation namin. "Blair, ayos ka lang ba? Namumutla ka kasi." Puna pa sakin ni Sam. Andito kami ngayon sa may library, dapat  mag-aaral kami para sa quiz bukas pero sobrang inaantok na talaga ako. Masakit pa ng ulo ko dahil kulang-kulang nga tulog ko nitong nakaraan.

"Gusto mo bang dalhin nalang kita sa clinic? You don't look well." Umiling naman ako sa sinabi niya at umayos na ng upo. Kinuha ko naman ang libro at nagsimula ng magbasa. Ilang minuto na akong nagbabasa pero wala pa rin akong naiintindihan. Walang pumapasok sa utak ko.

"Blair, mamaya nalang ulit tayo magreview. Punta muna tayong canteen baka gutom ka lang ." Tumango ako sa kanya at agad nagligpit ng gamit. Naglalakad na kami papuntang canteen nang bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napakapit ako sa kanya.

"Ayos ka lang ?" Tanong niya naman sa akin.

"Okay ka lang ako." At nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pagpasok namin ng canteen, nakita naman agad ako ni Seraphina.

"Ate Blair!" Tawag niya pa sabay kaway. Kakawayan ko na din sana siya nang nandilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako. Rinig ko naman ang naging kaguluhan sa paligid pati ang nag-aalalang boses ni Sam at ng mga pinsan ko.

"Let's take her to the hospital!"

"Jax, ready your car!" Naramdaman ko nalang na may kumarga sakin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

**

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Anong nangyari? Asan ako? Pinilit ko ang sarili kong bumangon at inalala ang nangyari kanina. Nahilo ako tapos bumagsak, hindi ko na maalala ang kasunod. Bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko ang nag-aalalang mukha nila Ate Claudia.

"Oh my god. Buti naman at gising ka na. How do you feel?" Tanong naman niya agad.

"I'm fine. Ano bang nangyari?"

"Ang sabi ng doktor over fatigue ka daw. Base pa diyan sa eye bags mo mukhang kulang ka din sa tulog. Ano pinagkakaabalahan mo lately?" Kuya Axl asked. Ano pa nga ba? Eh di yung project ng damuhong Rogue na yun! Kung dahil sa kanya hindi naman ako magkakaganito.

"Marami lang ginagawa for school. Madalas kasi kaming nagrerecitation tapos presentation lately kaya medyo puyat ako sa kaka-aral." 

"Wala naman masama kung nag-aaral ka, Blair but you also have to look after your health. Pano ka magdodoktor niyan kung ikaw mismo hindi mo maalagaan ang sarili mo." Ate Claudia said. Natahimik na lang ako.

"Oo nga pala, sila mommy at daddy alam ba nila ang nangyari sakin?" Tanong ko naman sa kanila. Napansin ko ang pagpapalitan nila ng tingin.

"Ahm, we called Tita kanina and told her about what happened to you kaya lang kasi..." Pambibitin pa ni Ate sa sasabihin niya.

"Kaya lang ano?"

"Selena has an event today in their department. Your parents are there, hindi nila maiwan don si Selena so they asked us to look after you here." Sabi pa ni Kuya Axl.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon