CHAPTER 40

680 33 8
                                    

ILANG araw na ang nakalipas matapos ang society ball pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang tagpong yun nila Rogue at ng kapatid ko habang nagsasayaw.

Nakita ko pang humiwalay si Rogue sa kanya nang makita niya akong nakatingin sa kanila. Pero paano na lang pala kung wala ako doon? Ibig sabihin ba eh hahayaan niyang yakapin siya ng ganun ng kapatid.

Kahit pa sinabihan ako ni Ate Claudia na ang tatay ni Rogue ang nagsabi sa kanyang yayain si Selena na sumayaw, hindi ko pa rin magawang makampante.

"Alam mo, konti na lang talaga iisipin kong nababaliw ka na, Blair."

Naputol naman ako sa mga iniisip nang marinig ko si Sam. Nakita ko silang dalawa ni Timothy na nakatingin lang sakin.

"Kanina pa kami dada ng dada ni Timothy pero ikaw tulaley ka lang diyan. Ano bang nangyayari sayo?"

Ngitian ko lang sila sabay tango. "Ayos lang, may iniisip lang."

"May problema ba, Xena? Pansin kasi namin ni Sam na ilang araw ka ng ganyan... yung bigla ka nalang matutulala."

Nakagat ko naman ang labi ko sa sinabing yun ni Timothy. Ganun na ba talaga ako kahalata? Siguro nga marami lang akong iniisip, dagdag pa na minsan ko na lang makasama si Rogue dahil nga may mga pinapagawa sa kanya ang daddy niya na tungkol daw sa business nila.

"Hindi ka naman siguro gumawa ng kalokohan, noh?" Pang-iintriga pa sakin ni Sam.

"Wala ah, ano namang kalokohan ang gagawin ko?"

"Aba malay ba namin sayo, eh hindi ka naman nagkukwento sa amin.. o sabihin na nating wala ka ngang ginagawang kalokohan, eh bakit mukhang hindi ka naman okay?"

Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. "Paano ka naman nakakasiguro na hindi nga ako okay?"

"Ako pa talaga ang tinatanong mo niyan. Eh yan yang biglaang pagkakatulala mo diyan sapat na dahilan na para masabi kong hindi ka nga okay.."

"I agree with Sam, Xena. You're not in your usual self these past few days. Hindi ka lang namin tinatanong pero hindi naman ibig sabihin nun eh hindi namin napapansin."

"See, buti pa 'tong si Suarez gets agad ako."

I was speechless. Hindi ko aakalain na tahimik lang silang nag-oobserba sakin. "I'm sorry kung pinag-alala ko kayo. Dala lang siguro 'to ng pagod. Yaan niyo pag naitulog ko na 'to magiging okay din lahat."

NATAPOS ang klase namin sa buong araw na wala ako sa sarili. Kahit ako, hindi ko na mainitindihan ang nangyayari sakin. Nagsimula lang naman 'to nung society ball talaga eh.

"O pano, kitakits na lang bukas ah.." Kumaway kami ni Timothy kay Sam nang makaalis siya.

"May susundo ba sayo? Himala ata, hindi nakabuntot yung bodyguard mo sayo.." Ani Timothy.

"May ginagawang iba yun, iba yung susundo sakin." Di nagtagal ay nakita ko na ang sasakyan namin na kakapasok lang ng parking lot.

"Ayan na pala ang sundo ko.." Sabi ko pa sa kanya at saktong huminto sa harap namin ang kotse. "Una na 'ko ha. Kita na lang tayo bukas." Paalam ko pa sa kanya bago sumakay ng sasakyan.

Tahimik lang ako buong biyahe. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Ayaw ko mang aminin pero alam kong may mali, ramdam ko yun. Hindi ko nga lang kung ano and it frustrates the hell out of me.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon