NANLALAMIG ang aking mga kamay. Halos hindi ako makahinga habang nakatingin lang kay mommy. Anong alam niya? Bakit niya ako tinatanong ganito? Dumating na ang araw na pinaka kinatatakutan ko...ang araw na malalaman nila ang tungkol sa relasyon namin ni Rogue.
"M-mom.."
"May nakakita sayong bumaba sa sasakyan na minamaneho ng lalaking yun at hindi lang yun nakita pa kayong magkayakap na dalawa. What do you think you're doing, Blair?!"
Dali-dali akong bumaba ng kama at lumapit sa kanya. "Mom, let explain please..."
"No... isang tanong, isang sagot. Ano mo ang lalaking yun?"
Halos masugat na ako sa sobrang diin ng kuko ko sa aking balat. Abot langit ang kaba ko sa mga oras na 'to.
"Blair---"
"--- he's my boyfriend, mommy." Pigil hininga kong sabi sa kanya.
Kita ko kung paano unti-unting nawalan ng kulay ang mukha niya habang nakatingin sakin. "W-what? Boyfriend?
"I'm sorry, mommy..."
"Kelan pa kayo ng lalaking yun?!"
"Mommy.."
"Kelan pa?!"
"Magtatatlong buwan na po.." Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan sa labis na takot at kaba.
She exhaled exaggeratedly. "Ganun mo na kami katagal na pinagmumukhang tanga ha?!"
"Mom..no—"
"—I even defended you from your cousin and Tita Sylvia na hindi mo magagawang pumatol sa isang Montesilva, yun pala niloloko mo lang kaming lahat?!
Mas lalo akong napaiyak. Ayaw ko naman talagang itago 'to sa kanila, alam ng Diyos yun, kung gaano ko kagustong ipaalam sa kanila. "Mommy, I-I'm sorry.."
"Nababaliw ka na ba talaga? Blair, hindi naman kami nagkulang ng paalala sa inyo, hindi ba? Noon pa lang naka ilang ulit na kami sa inyo na hindi pwede ang mga Montesilva, mahirap bang intindihin yun?!" Halos pasigaw niyang sabi sakin. Buti na lang at sound proof ang kwarto ko, baka kasi mamaya may makarinig sa pag-uusap namin.
"I-I'm sorry.."
"Are you really even sorry? Dahil kung oo, hindi mo magagawa ang bagay na 'to!"
She was furious. I kind of expect this though, pero hindi ko alam na ganto ka-aga nila malalaman.
"Gusto kong hiwalayan mo ang lalaking yan." She said with conviction.