CHAPTER 45

542 33 12
                                        

DALAWANG araw magmula nang may huling mangyari samin ni Rogue pero hanggang ngayon dama ko pa rin ang sakit. Maraming katanungan na naglalaro sa isip ko. Ngunit magmula noon hindi na ulit kami nagkausap. Gusto kong itanong sa kanya ang mga gumugulo sa isip ko pero natatakot ako sa magiging sagot niya kung sakali.

Pakiramdam ko hindi kakayanin na makarinig pa ulit ng kahit anong masasakit na salita mula sa kanya. Para akong nagising mula sa isang panaginip na akala ko totoo at ngayon ay tuluyan na nga akong sinampal ng katotohanan. The truth that he doesn't really love me, that he just used me and my body and I...never felt this dirty before.

"Here.." Napatingin ako kay Tim nang abutan niya ako ng sandwich. Agad ko naman itong tinanggap.

"Thanks."

Umupo naman siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko at tumitig lang sa kawalan habang kagat-kagat ang sandwich niya. Andito kami ngayon sa isang park, kagagaling lang namin sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Sam para sa isang group project.

Ayaw ko pa sanang umuwi kaya naisipan kong tumambay muna dito at nagpumilit siyang samahan ako.

"Hindi ko na itatanong kung ayos ka lang ba dahil sa laki ng eye bags mo halata namang hindi. Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo pero gusto ko lang malaman mo na nag-aalala ako sayo." Sabi niya pa habang nakatingin pa rin sa malayo.

Napahigpit naman ang hawak ko sa bigay niya. Nakakatawang isipin na kung sino pa yung taong walang alam sa nangyari, eh sila pa yung pinaka nag-aalala.

"Salamat sa hindi pagtatanong. Hindi ko pa rin kasi sigurado sa sarili ko kung handa na ba akong magkwento."

"Naiintindihan naman kita, lahat naman ng tao may iba't-ibang problemang pasan so I can't really judge you. I will never."

Nitong mga nakaraang mga araw, sila lang dalawa ni Sam ang nagpapalalakas sakin. Silang dalawa ang unang-unang nakakapansin pag may problema ako. Sila ang dalawang tao na kahit kelan hindi ako iniwan.

"T-thanks, Tim.. you being here with me, really means a lot to me." Pilit kong pinipigilan ang sarili kong hindi maiyak pero pati ata yun napansin niya.

"It's okay to cry sometimes, Blair. Hindi naman ibig sabihin na umiiyak ka eh mahina ka na. Sometimes, crying means that you've been strong for a long time and you just can't take it anymore. Crying is a sign that you've been brave once, Blair."

Ang with that, I cried.. so hard. Yun na ata ang pinaka grabeng iyak na ginawa ko sa tanang buhay ko, mas grabe pa yun kesa sa naging iyak ko nung namatay ang lola namin.

Hindi ko na kinaya. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit. Pakiramdam ko mababaliw na ata ako sa sobrang sakit. Ang pamilya ko, si Rogue—silang lahat inubos na nila ang buong ako.

I cried my heart out for I don't know how long. Binuhos ko na lahat ng sakit at hinanakit ko sa mga taong nanakit sakin. And Timothy just remained sitting there beside me while looking afar. He didn't say anything. He didn't even try to comfort me but him, being there made me feel good. Na kahit papano pala may isang taong concern pa rin sa kin.

After a long time of just merely crying, bigla niyang inabot ang panyo niya sakin. Tinaggap ko naman yun at pinunasan ang mga luha ko. Sigurong magang-maga na ang mata ko, hindi ko akalain na iiyak ako ng ganun but I have to admit kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.

"You okay now?" Yun ang unang tanong niya sakin habang nagpupunas ako ng luha.

I smiled at him weakly. "Yeah, thank you..for not judging."

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon