KINABUKASAN, usap-usapan sa buong university ang nalalapit na engagement ng kapatid ko at ni Rogue. Kahit saan ako magpunta, yun ang naririnig ko sa mga usapan ng ibang estudyante. Kung hindi ko lang din talaga kailangang pumasok, wala ako dito ngayon. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto ko buong araw at huwag humarap kahit kanino.
May iilang kasing mga estudyante ang lumalapit sakin para magtanong kung totoo nga ang balita pero hindi ko na lang sila pinansin dahil wala naman akong alam sa pagpapa planong ginagawa nila para sa party.
"Totoo ba talagang nagkaayos na ang mga pamilya ninyo?" Pang-uusisa pa sakin ni Sam. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
"Wow, akalain mong magkakaayos pa rin talaga kayo noh." Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya pati si Timothy na nakaupo sa tabi ko tahimik lang din.
"Eh yung balitang ikakasal daw yung kapatid mo kay Rogue Montesilva, totoo din?"
"Hmm.."
"Hmm kaya pala.."
"Kaya pala ano?" Tanong ko pa.
"Kaya pala magkasama sila sa mall nung isang araw.. hindi pa nga ako makapaniwala na sila yun kasi nga di ba magkagalit pa ang pamilya niyo nun." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Nakakatawa lang na dati panay ang tago naming dalawa tapos ngayon.. bakit pa nga ba magtataka eh pinagsawaan niya lang naman daw ako. "Nakita ko pa nga yung kapatid mong nakaangkla sa braso ni Rogue eh, sila na siguro.. ano sa tingin mo, Blair?"
"I don't know.."
"Hindi ba kayo nagkakausap ng kapatid mo? Bakit wala kang alam—"
"—Sam, tigilan mo nga yang pagiging chismosa mo.." Saway pa sa kanya ni Timothy. Kahit hindi niya sabihin, alam kong may ideya na rin siya sa kung anong nangyayari sakin.
"Sorry naman.."
Nagsimula na din kaming magligpit ng mga gamit. Kanina pa kami andito sa library at nag-aaral. "Bilisan na natin baka mamaya maubusan na naman tayo ng ulam." Ani Sam.
NAGLALAKAD na kami papuntang canteen at pansin ko ang mga tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. "Huwag mo na lang silang pansinin." Bulong pa sakin ni Timothy.
Taas-noo akong naglakad at hindi sila binigyan ng atensyon. Wala ako sa mood para pagtuunan sila ng pansin lalo pa't alam ko naman na gusto lang nilang makasagap ng kung anong balita tungkol sa pamilya namin.
PAGDATING namin ng canteen, marami ng estudyante. "Ako na lang ang bibili. Hanap na lang kayo ng mauupuan natin." Sabi pa ni Sam at dire-diretsong naglakad papuntang counter.
Saglit naman akong natigilan nang magtama ang mga mata namin ni Rogue. Hindi ko akalain na makikita ko siya dito. Kanina pa ata siya nakatingin sakin. Nakita ko naman na lumipat ang tingin niya sa lalaking nasa tabi ko, na busy kakahanap ng mauupuan namin.
Bago pa man muling magsalubong ang tingin naming dalawa ako na ang unang nag-iwas. Naalala ko pa ang ginawa kong pagtawag sa kanya kagabi.
"Dun tayo, Blair.." Tinuon ko lang ang atensyon ko kay Timothy na ngayon ay nakaalalay sa likod ko habang naglalakad papunta sa bakanteng mesa. Sakto naman na bago kami makarating sa mesa namin madadaanan namin sila. Kasama niya ang mga pinsan niya. Saglit pa silang natigilan nang makita ako at napatingin kay Rogue na seryoso lang din na nakatingin sakin.
Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at naglakad na lang habang nakaalalay pa rin sakin si Timothy. Nang makaupo ako ay siya namang pagtabi din sakin ni Timothy.
"Feeling ko mamamatay na ako kanina." Aniya.
"Ha? Bakit naman?"
"Ang sama ng tingin sakin eh.." Hindi na niya kailangan sabihin kung sino ang tinutukoy niya dahil alam ko na.
"Hayaan mo na, wala lang siyang magawa sa buhay niya.."
"Ang bitter naman.." Tukso niya pa sakin.
Hinampas ko naman siya sa braso. "Napaka siraulo mo talaga."
"Ikaw naman hindi ka na mabiro.." Natatawa niya pang sabi sakin. "So, ibig sabihin ba niyang inaasta mo ngayon eh tanggap mo na talaga na ikakasal siya sa kapatid mo?"
Saglit pa akong natigilan bago malungkot na napangiti. "As if I have a choice.. isa pa, hiwalay na kami kaya wala na akong karapatan na maghabol kung siya mismo ay ayaw na sakin."
"Tch, kaya ayokong mainlove eh, sakit lang yan sa ulo.."
"I wish I should've known that sooner para naman napigilan ko yung sarili ko." Sabi ko pa sa kanya.
Tahimik lang kaming naghihintay kay Sam nang mgasalita ulit siya. "Alam mo konti na lang susugurin na ako ng Rogue na yan.."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Lumipad naman ang tingin ko sa table nila Rogue at nahuli siyang nakatingin samin.
"Wag mo na lang kasing pansinin."
"Baka mamaya niyan ginagamit mo na ako para pagselosin siya, ay naku bespren ah sinasabi ko sayo.. pag ako inabangan niyan mamaya."
"Alam mo ikaw, puro ka na lang kalokohan." Susundutin ko sana siya pero sumakto pa ang daliri ko kung san siya may malakas na kiliti kaya naman napatawa siya ng malakas dahilan para maglingunan ang ibang tao sa canteen kasama na sila Rogue at mga pinsan niya.
Nagulat naman kaming lahat nang biglang pabalyang tumayo si Rogue at umalis na lang bigla ng canteen.
"Ikaw kasi, ayan tuloy nagselos.." Paninisi pa sakin ni Timothy.
"Wala akong ginagawa sa kanya.."
"Wow naman, nakamove on na.. that's my bespren." Aniya sabay akbay sakin.
Natigil lang kami nang dumating na si Sam dala ang mga pagkain. "Anong nangyari dun kay Rogue?" Tanong niya pagkalapag niya ng tray.
"Nagselos kasi—" Siniko ko naman agad si Timothy.
"Ha?"
"—este ewan namin dun. Basta kami masaya kami.." Napapailing na lang ako sa mga kalokohan niya. Nagsimula na din kaming kumain sabay ng walang katapusang asaran nina Timothy at Sam.
MABILIS lang din natapos ang nakakapagod na araw na yun. Pagkarating ko ng bahay naabutan ko sa sala sila mommy kasama niya si Selena at ang isang babaeng hindi ko kilala.
Lalagpasan ko na sana sila nang tawagin ako ni Selena. "Ate, you're here.. look oh." Aniya sabay pakita ng isang magazine na puro wedding gowns ang nakalagay. "We were choosing na what gown I'm going to wear for my wedding. Pati yung susuotin ko sa engagement party, namimili na din kami." Magiliw na sabi niya pa sakin. Kitang-kita ko ang labis na kasiyahan sa mukha niya.
"How about you, ate? May gusto ka ba dito? Just tell me since ikaw ang maid of honor ko sa kasal, I'll prioritize you." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Maid of honor, huh?
"Don't bother. Marami akong ginagawa para sa mga bagay na ganyan. Why not ask mom tutal she's always available pagdating sayo." Sabi ko pa at agad iniwan silang lahat sa may sala.
I went straight to my room and immediately locked the door. My heart constricted. Unti-unti ng nagsisink in sakin na ikakasal na nga talaga silang dalawa and here I am.. miserable as ever.
--
VOTEEEEEE!!!!!!
