CHAPTER 29

803 33 7
                                        


Pagkatapos ng naging tagpong yun sa kusina, hindi na ako napakali. Hindi naman ako tanga para hindi maisip na walang alam si Jax. He's not that kind of person na basta-basta na lang akong tatanungin ng ganun at sasabihin niya wala lang.


Habang nagkukwentuhan kaming magpipinsan, hindi ko pa rin mapigilan na hindi mapatingin sa kanya. What do you know, Jax?


Halos hindi ko na din masundan kung anuman ang pinag-uusapan nila dahil sa labis na pagkabahala. I was really bothered by Jax and the thought that he knows something about me and my involvement with Rogue.


Should I talk to him? Should I ask him directly? Pero tinanggi ko na eh. Argh! Ang gulo-gulo.


"Hey Blair, are you okay?" I snap into reality when Ate Claudia talked to me. "Kanina pa kita tinatanong kung gusto mong tumambay kina Wyatt." Nakita ko naman ang iba naming mga pinsan na naghahanda ng umalis...maging si Selena nakahanda na din.


"Ah, next time na lang ako. May tatapusin pa kasi akong papers eh.. malapit na din deadline non."


"Oh, sayang naman.."


Not long enough, nagpaalam na din sila kina mommy at tumulak na papunta sa bahay nila Wyatt habang naiwan naman akong mag isa.


"You sure you'll be okay here, hija?" Ulit na tanong sakin ni mommy.


Ngumiti naman ako sa kanya. "I'll be fine, mom. Sa kwarto lang naman ako buong araw.. tatapusin ko yung projects ko for school."


Wala naman siyang nagawa kundi tumango na lang. Gusto kasi nila akong isama ni daddy sa lakad nila sa kabilang bayan pero tumanggi ako. Wala naman akong gagawin don, isa pa about business ang pag-uusapan nila at baka hindi rin lang ako makarelate.


"Okay, sinabihan ko na si manang na akyatan ng snacks mamaya don sa kwarto mo. Uuwi din kami mamaya ng daddy mo ha."


NANG makaalis sila, agad naman akong umakyat sa kwarto ko at umupo sa study table ko. Sinimulan ko agad na gawin ang mga paper works na kailangan kong tapusin. Halos isang oras na din akong busy nang marinig ko ang pagpihit ng pinto.


"Pakilagay na lang sa table yang pagkain, manang.. mamaya ko na lang po kakain." Sabi ko pa. Hindi na ako nag-abala pang iangat ang tingin ko sa sobrang busy ko.


Pero agad din akong natigilan nang malanghap ang pamilyar na amoy na yun. Agad akong nag-angat ng tingin at tama nga ako..


"Rogue.."


Matiim lang siyang nakatingin sa akin. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at sinalubong ang titig niya. "What are you doing here?"


"Pwede na ba kitang makausap ngayon?" Halos hindi na siya kumurap sa kakatitig niya sakin. Nang hindi ko na makayanan ako naman na mismo ang umiwas at itinuon muli ang atensyon ko sa ginagawa.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon