CHAPTER 35

587 35 5
                                    

"PUTANGINA, tapos na!" Natawa na lang kami pareho ni Timothy nang magmura si Sam. It's been one hell of a week for all of us at wakas tapos na ang exam namin. Ilang gabi din akong puyat kaka-aral. Minsan pumapasok ako para mag-exam na halos isa hanggang tatlong oras lang ang tulog ko.

That routine made me sick for a couple of days na labis pinag-alala nila mommy. Gusto pa sana nila akong iconfine sa ospital pero tumanggi ako. Pag naconfine kasi ako ibig sabihin nun aabsent na naman ako..hindi ako makakapag exam. Sayang naman ang mga inaral ko.

Rogue has been very supportive to me as well na tipong kasabay ko siyang magpuyat minsan. Siya din ang nagrereview sakin. Minsan nga tinanong ko pa siya tungkol sa pag-aaral niya pero lagi nyang sinasabi na huwag ko na lang daw isipin and according to him—he got it under control daw.

"Saan na tayo niyan?" Biglang sabi ni Sam. "Gusto kong icelebrate tong pagka survivor natin sa pamatay na exams na yun."

"Sorry guys hindi ako pwede eh. Bawi na lang ako next time." I apologetically told them.

Agad ko naman nakita ang pagsasalubong ng mga kilay ni Sam. "Na naman? Alam mo napapansin ko lagi ka na lang may lakad.."

"Sam, hayaan mo na. Wala naman tayong magagawa kung may prior commitment si Xena na iba." Pagtatanggol sakin ni Timothy.

Pero hindi siya pinakinggan ni Sam, she crossed her arms and looked at me with her scrutinizing eyes. Umamin ka nga samin, Blair.." Sabi niya pa habang naniningkit ang kanyang mga mata.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tono ng pagsasalita niya. "W-what?"

"Ikaw ba eh... may boyfriend?"

Ilang beses akong napalunok at nanlalamig ang mga kamay na nakatingin sa kanila. "H-ha?"

"Hamburger... so ano na? Though hindi naman nakakagulat yun, sa ganda mong yan... tanga lang ang hindi magkagusto sayo."

"I d-don't.."

"Sigurado ka?"

"Y-yes.."

Sam shrug it off.. "Okay, sabi mo eh.."

Naputol naman ang usapan namin nang maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Agad ko itong binuksan at tiningnan kung sino ang nagtext.

From: Mi Amore

I'm here, baby.

Tumingin naman ako sa kanila nang mabasa ko ang message ni Rogue.

"Kailangan mo ng umalis?" Tanong pa ni Sam. I somehow felt guilty.

"I'm sorry.. promise, babawi ako sa inyo."

"Ano ka ba, Blair. Ayos lang yun noh." Nakangiting sabi ni Timothy.

"Anong 'ayos'? Hindi ayos yun noh, basta yung burger ko sa susunod ha.." Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Alam ko namang hindi ako matitiis ni Sam.

Pagkatapos kong makapagpaalam sa kanila ay mabilis akong naglakad palabas ng gate. Nakita kong nakaparada sa may harap ang sasakyan namin. Binuksan ko naman agad ang shot gun seat at mabilis na pumasok.

Hindi pa ako nakakapag kabit ng seat belt nang kabigin ako ni Rogue para halikan. Tumugon naman agad ako sa kanya.

Nakangiti siya nang maghiwalay ang mga labi namin.. "I missed you today, baby.."

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon