Few weeks passed, classes officially started. Of course I was very much excited because this will my first time studying here in Almeria. Also, kasama ko pa sa iisang school ang mga pinsan ko. Mas lalo tuloy akong ginaganahan.
"Kumpleto na ba ang mga gamit niyo?"
We're eating our breakfast pero hindi ata mapakali si Mommy at kanina pa nagtatanong tungkol sa mga gagawin namin today.
"Mom, relax. It's just the first day. Usually, wala pa naman masyadong pinapagawa pag kakasimula pa lang ng school."
She has always been like this. Ang turing niya sa amin eh mga bata. We're college already for heaven's sake!
"Hayaan mo na yan si mommy, ate. Alam mo naman na laging aligaga yan pagdating sa atin." Selena told me.
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagkain baka kasi malate pa kami kung puro kami usapan. After eating breakfast, hinatid na kami ng driver papuntang university.
Sa parking lot pa lang andami ng estudyante, bumaba naman agad kami ng sasakyan at nakita sila Ryder na naghihintay sa may gate papasok ng university.
"Grabe aga niyo ah." Sabi niya pa pagkalapit namin sa kanila.
"Wag ka ngang atat diyan, maaaga pa kaya." Bwelta ko pa. Nagsipasukan na kami ng campus at kitang-kita ko ang mga tingin ng ibang estudyante sa amin. Well, what do you expect? Grecos are born to stand out not blend in.
Dumiretso naman agad ako sa first subject. Shit nakakakaba pero sana mababait maging kaklase ko. Pagpasok ko ng room, ayan na naman ang mga tingin nila.
"Seryoso? Magiging kaklase natin ang isnag Greco?"
"Grabe pare! Ang ganda talaga ni Blair Greco."
"Balita ko matalino daw yan."
Ilan lang yun sa mga bulung-bulungan nila na hindi ko nalang binigyan ng pansin. Sanay na naman ako sa ganyan. Mga bata pa lang kami, lagi na kaming pinag-uusapan ng mga nagiging kaklase namin dahil sa pamilyang pinanggalingan namin.
"Hi."
Napalingon naman ako sa taong nagsalita sa likuran ko. "Ako nga pala si Samantha. Ikaw si Blair Greco, hindi ba?" Tanong niya pa sakin. Wow, this was first. First time na may naglakas ng loob na kumausap sakin. Dati kasi iniiwasan ako ng iba kong kaklase kasi nga Greco ako.
"Pasensya ka na ha, kapal muks nalang ako sayo. Kakalipat ko lang kasi dito kaya wala akong kakilala." Biglang nahihiyang sabi niya.
"Ah no it's okay. In fact, I just transferred here too. I'm Xena Blair, nice meeting you." Sabi ko pa sabay abot ng kamay ko sa kanya.
Dali-dali niya naman akong kinamayan. "Grabe ang bait mo pala tyaka ang lambot din ng kamay mo. May nakapagsabi na ba sayo na kamukha mo si Mama Mary?"
"Ha?" Ano bang sinasabi niya?
