CHAPTER 22

625 38 2
                                        


Kinabukasan, late na akong nagising. Masyado na akong napuyat kakaisip sa mga nangyari kagabi. Natigilan naman ako ng may mapagtanto.


"Oo nga pala, bodyguard ko nga pala siya."


Dali-dali naman akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng shower, nag-iisip na din ako ng mga bagay na pwede kong gawin ngayong araw. Hindi kasi ako sanay na magstay lang sa bahay at walang ibang gagawin kundi humilata lang.


"Alam ko na!"


Binilisan ko naman agad ang pagligo. Nakabalot ako ng bath robe habang pinapatuyo ko ang buhok nang lumabas ako ng banyo.


"Holy sh—" Halos mapamura ako sa gulat nang makita ang lalaki na nakatayo sa pinto ng kwarto ko. Katulad ko, gulat din siyang nakatingin sa'kin.


"Ahh..ano..kasi..gigisingin sana kita....ano.. sorry..." Utal-utal niya pang sabi.


Ramdam ko naman ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Ang aga-aga pa, ganito agad tagpo sa pagitan naming dalawa. "Yeah...ahm..magbibihis lang ako.." Nahihiya ko pang sabi sa kanya.


"Ah.. oo nga..sabi mo nga...sige, labas na 'ko..." Mabilis pa sa alas-kwatro siyang lumabas ng kwarto ko. Natawa na lang ako. Para kaming mga tanga, did we really feel embarrassed towards each other?


Kahit habang nagbibihis, hindi ko pa rin mapigilan na hindi matawa.. "How can we even act like that eh di ba nga nagse--" Natigilan naman ako sa sasabihin ko. "Oh my god, Blair! Kelan ka pa naging pervert?!" Sabi ko pa sa sarili ko.


I quickly finished dressing up. I just chose a summer dress and a pair of sandals. Ayaw ko pang mga sneakers dahil nga sumasakit pa ang paa ko. Isa pa, hindi naman bagay ang sneakers don sa pupuntahan ko mamaya.


Agad naman akong bumaba papuntang dining nang matigilan ako. Nairnig ko kasi ang usapan ng mga kasambahay namin.


"Ang pogi nga eh."


"Oo nga, parang hindi naman siya bodyguard. Mukha siyang mayaman."


Agad naman napakunot ang noo ko sa usapan nila. Sumilip naman ako mula sa taas ng hagdan at nakitang kinikilig pa silang nakatingin sa kung saan.


"Naku, kung yan lang din ang magiging asawa ko, wala akong pakialam kahit ilan pa ang maging anak namin." Sambit pa ng isa sa kanila.


Sinundan ko naman ng tingin kung saan sila nakatingin at nakita si Rogue na umiinom ng kape sa may garden namin. Aakalain mong may shooting siya ng commercial.


Hindi ko alam pero biglang akong nakaramdam ng inis sa mga kasambahay namin.


"Yaya Loleng." Tawag ko pa sa mayordoma namin. Agad naman siyang lumabas mula sa dining area. Padabog naman akong bumaba ng hagdan at naabutan ko pa ang dalawang kasambahay namin na muling bumalik sa paglilinis. Narinig ata nila ako.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon