CHAPTER 38

558 27 7
                                    

ABALA ang lahat kinabukasan. Umaga pa lang may mga dumating na para ayusan kami. Ang iba naman ay chinecheck ang mga damit namin susuotin para mamaya.

"Mom, isn't it too early para mag-ayos? Mamayang gabi pa ang ball." Ani ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming nag-aagahan pero dinig ko ang mga ingay na nagmumula sa sala.

"Hija, they're not just here for the hair and make-up. Balak ko din kasing magpa whole body massage para marelax naman ako kahit papano."

"Mommy, ako din ha.." Sabat pa ni Selena.

Nakangiti namang bumaling sa kanya si mommy. "Of course, darling."

Binilisan ko na ang pagkain at muling umakyat sa kwarto ko pagkatapos. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa may bedside table at nakita ang napakaraming texts and missed mula kay Rogue.

120 missed calls

78 text messages

Ang dami naman nito! Mukhang buong gabi niya akong tinawagan pero hindi ko nasagot dahil nga naka silent ang cellphone ko. I opened some of his messages and read it.

From: Mi Amore

I'm sorry I wasn't able to answer your calls, love. Ang dami kasing pinapagawa ng kapatid mo sakin. Hindi ko na napansin na tumatawag ka pala kanina.

8:30 PM

This was the time na kakauwi pa lang nila ni Selena mula sa kung saan.

From: Mi Amore

Love, galit ka ba?

8:32 PM

From: Mi Amore

Why are you not answering my calls?

8:35 PM

From: Mi Amore

Galit ka ba?

8:37 PM

From: Mi Amore

Love, please answer my calls.

8:40 PM

Marami pa siyang naging messages na halos magkakasunod lang din. Hindi niya ata ako tinigilan na tawagan at itext buong magdamag. Binuksan ko naman message na galing sa kanya kaninang pagkagising ko.

From: Mi Amore

Hi love, good morning. I don't know why you're avoiding me. If this about me being with your sister yesterday, I had no choice kundi samahan siya dahil nakiusap lang din ang mommy mo para may magbantay sa kanya. I'm not blaming your mom though pero sumunod lang talaga sa naging utos niya. Huwag ka na sanang magalit. I miss kissing you good night last night, my love. I'll just see you at the party later. I love you.

7:30 AM

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko habang binabasa ang message niya. Maybe it was so immature of me para magselos pa sa kapatid ko. Nakita ko naman na may sinend pa siya ulit na message kanina lang.

From: Mi Amore

By the way, don't make yourself too beautiful for the party later. I don't want men ogling at you. You're mine, remember that.

Tss possessive as always.

Binaba ko na ang phone ko at tumingin sa mannequin na nasa kwarto ko. Nakasuot sa mannequin ang isusuot ko mamaya para sa ball.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon