"Eto na."
Dumating na din ang order namin, dala-dala nila Kuya Axl ang tray habang ang damuhong si Ryder naman ay nilalantakan na ang kanya habang naglalakad.
Ibang klase talaga ang katakawan ng isang to.
"O ba't ang seryoso niyo ata diyan?" Tanong pa ni Jax
"The Montesilvas are here." Sabay ni tingin ni Ate Claudia sa table kung nasan nakaupo ang mga Montesilva.
Napalingon din ang iba pa naming mga pinsan sa direksyon nila.
"Hayaan niyo na. Wag niyo nalang pansinin para walang gulo. Kumain nalang tayo." Kuya Axl told us while distributing the halo-halo.
"Bakit naman magkakaroon ng gulo, Kuya? Mga kaaway ba talaga natin yang mga yan?" Seraphina asked him.
"Sa totoo lang, wala naman talaga tayong problema sa mga yan. Sila lang tong laging kumakalaban sa pamilya natin." Paliwanag pa ni Kuya Axl
"Since when did it started?" Tanong ko pa.
"Years ago, it became a big news in our town that the Grecos and Montesilvas are rivals with each other." It was Ate Claudia.
"Hindi mo talaga maalala yun Blair kasi hindi ka naman lumaki dito. Tsaka tuwing summer ka lang umuuwi ng Almeria but the rivalry that we have with them has been going on for so long." Ryder told me.
Tama nga siya. Wala talaga kasi akong matandaan na kaaway ng pamilya namin. Our family is known all throughout Almeria dahil na din sa naging tulong ng pamilya namin sa kabuhayan ng mga tao dito.
"If given a chance na makasalamuha niyo ang isa sa kanila, iwasan niyo na lang." Kuya Axl said.
"Why Kuya? Galit ba talaga sila satin?" Seraphina asked him.
"We never know. Para na din makaiwas sa malaking gulo mas makakabuti na hindi tayo mainvolve sa isa sa kanila."
"Also from what I've heard, mga dakilang playboy ng Almeria ang mga Montesilva na yan. Baka mamaya igaya niya lang kayo sa mga naging babae nila." Wyatt added.
Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Wow naman, parang hindi ka din ganun ah."
"Insan, ang pinagkaiba ko sa mga yan eh ako ang nilalapitan ng babae. Alangan naman tanggihan ko. Sabi pa nga ng mga nakakatanda, masamang tanggihan ang grasya." Sabi pa niya na may nakakalokong ngisi.
Binatukan naman siya ni Jax. "Puro ka talaga kalokohan!"
