"BLAIR!"
I quickly lifted my head and saw Timothy running towards me. Muli akong napaiyak nang makita ko siya. Mabilis naman siyang nakalapit sakin at itinayo ako sa pagkakaupo.
"What the hell happened to you? At anong ginagawa mo dito—shit may sugat ang paa mo." Aniya nang makita ang dumudugo ko ng sugat.
"T-Tim umalis na tayo dito please.." Pagmamakaawa ko pa sa kanya.
"Halika na.." Inalalayan niya naman ako papasok sa kotse niya.
Walang nagsasalita buong biyahe. Hindi pa rin mapawi ang paninikip ng dibdib ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nadatnan ko kanina. Pinagpatuloy kaya nila yun nang umalis ako? Malamang!
I WAS pulled out of my reverie when the car stopped in front of an unfamiliar house. Kinalas ko naman ang seat belt ko at tumingin kay Timothy. "Where are we?"
"At my house."
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Itatapak ko na sana ang paa ko sa semento nang bigla niya akong kargahin.
"T-Tim, hindi mo naman ako kailangang kargahin."
"Pag pinaglakad pa kita baka mas lalong lumala yang sugat mo." Naka tiim bagang na sabi niya.
Hindi na ako nakipagtalo. Nang makapasok kami sa loob ng bahay niya, dahan-dahan niya akong inupo sa sofa.
"Diyan ka lang, kukuha lang ako ng first aid kit." At nakita siyang pumasok sa isang silid. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang napakaraming kahon sa sala.
Napabaling naman ako sa kanya ng muli siyang lumabas dala ang kit. Lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang kanang paa ko na nasugatan.
"Hindi ko na itatanong kung anong nangyari dahil parang alam ko na. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit kailangan mong pabayaang ang sarili mo ng ganito." Matigas na sabi habang ginagamot ang sugat ko.
"I-I'm sorry.."
"You shouldn't be saying that to me, say that to yourself. Maawa ka naman sa sarili mo, Blair." Mas lalo naman akong naiyak sa sinabi niya.
"Masakit ba?"
Alam kong sugat ko naman ang tinutukoy niya pero iba ang pagkaintindi ko.
"Hmm.. ang s-sakit, s-sobrang sakit."
Napatingin naman siya sakin tsaka bumuntong-hininga. Ibinaba niya ang paa ko at umupo sa tabi ko.
"Baka kasi kaya ka nasasaktan kasi patuloy ka pa ring kumakapit. Alam mo minsan mas lalong mong kinakapitan sa isang bagay, mas lalo ka din nasasaktan. Baka panahon na para bumitaw ka na."
Tuluyan na akong napahagulhol. Naiintindahan ko naman ang kanyang ibig sabihin. "B-binitawan ko na k-kasi hindi ko na din kinaya pero bakit ganun, b-ba't ang sakit-sakit pa rin?"
He pulled me into a hug. "It's okay, Blair. Just feel the pain... until it hurts no more."
Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko at wala siyang ibang ginawa kundi ang yakapin ako at sabihing magiging maayos din ang lahat.
NANG mahismasmasan ako ay tsaka ako nagtanong sa kanya. "What with those boxes anyway?" Tanong ko pa sa kanya habang nakaturo sa mga kahon na nakatambak sa may sala niya.
