UMAGA pa lang pagod na pagod na ang utak ko. Sunod-sunod ang exam namin ngayong araw at pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa dami ng kailangan kong basahin.
"Kaya pa?" Napaangat ang tingin ko kay naglapag ng kape sa harap ko.
"I don't really drink coffee, Tim.."
"Palit na lang tayo, sayo na lang 'tong hot choco ko."
Agad ko namang inabot ang hot choco sabay inom. Ah! This is what I need.
"Bakit panay review ka pa rin diyan?"
"Hindi kasi ako masyadong nakapagbasa kagabi.." Papano kasi pagkatapos kong makita yung invitation sa sobrang inis ko, natulog na lang ako. Nawalan na ako ng ganang magbasa.
"Hey pips!" Bati pa ni Sam pagkaupo niya sa upuan.
"Muntik ka ng maging maaga.." Ani Timothy sa kanya.
"Eh sa traffic eh."
Nagsiayusan naman kami agad ng upo ng dumating na ang proctor para sa exam. Shit! Sana maalala ko pa yung mga binasa ko kanina.
Tahimik lang kami at seryosong sinasagutan ang test paper. Ang dami naman nito. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong sagutan.
Pagkatapos ng halos madugong isang oras, natapos din ang exam namin. Jusko, una pala yun ah!
"Unang exam pa lang gamit na gamit na ang utak ko.." Ungot pa ni Sam.
"May susunod pa, ihanda mo yang utak mo baka maging zombie ka nalang diyan bigla." Asar pa sa kanya ni Timothy.
Buong araw, walang kamatayang exams at pracs ang ginawa namin. Hindi ko nga alam kung paano namin nasurvive yun.
Pagkatapos ng exams, nagawa pa naming magpunta ng library para mag-aral para naman sa exam bukas.
"Hindi ko akalaing humihinga pa rin ako hanggang ngayon. Ang hirap naman kasi ng exam sa Bio. Exam pa bang matatawag yun?!"
"Ano ka ba, anong silbi ng exam kung magiging madali lang naman pala yun."
"Oo na St. Timothy, ikaw na.."
Tahimik lang kaming nagbabasa nang maramdaman kong magvibrate ang cellphone.
"Wait lang, sagutin ko muna 'to.." Tumango lang sila at agad naman akong naglakad palabas ng library. Nakita ko pang isang unknown number ang tumatawag sakin.
"Hello.." Sabi ko pa.
My breathing hitched when I learned who called. Laglag panga lang akong nakikinig sa sinasabi niya. No—no way! Nang patayin ko ang tawag ay hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Mabilis akong tumakbo pabalik ng library at nagmamadaling niligpit ang gamit ko. Nagtataka naman sina Sam at Timothy sa ginagawa ko.
"Blair, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Sam.
"I-I'm sorry, kailangan kong umalis. I'm sorry." Yun lang ang sinabi ko at agad na nagmadaling tumakbo palabas.
Kung saan-saang parte ako ng school pumunta hoping na baka makita ko siya pero tangina, wala. I was losing hope of seeing him nang makita ko ang mga pinsan niya. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila na kinagulat pa nila.
"O Xena Blair, anong maitutulong namin sayo?" Knight was the who asked.
Hinihingal man ay pinilit kong magsalita. "Do you know where Rogue is?"