Inis pa rin akong nakatingin sa kanya habang pilit na tinatakpan ang katawan ko.
"Fuck me? Masyado pang maaga para diyan sa gusto mo, Xena Blair." Natatawa niya pang sabi.
What an asshole! "Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba ako?!"
"Bakit bawal ba ako dito? Di ko alam na pagmamay-ari na pala to ng pamilya niyo. And sorry to burst your bubble, kanina pa ko dito baka ikaw ang sumusunod sakin." He told me while looking at me cockily.
Ang yabang niya! "For your information, wala akong rason para sundan ka! Kung alam ko lang na andito ka pala, hindi na sana ako nagpunta!" At tinalikuran ko na siya tyaka umahon para makabalik sa kubo.
Mamatay na ata ako sa lamig. Nakakainis naman kasi! Kukuhanin ko na sana ang tuwalya but then I realized na wala pala akong dala! Argh! Can this day get any worse?!
Kukuhanin ko na sana ang hinubad kong tshirt kanina para gawing pamunas nang may lumitaw na towel sa gilid ko. Tiningnan ko kung kanino galing at ang nakita mayabang na yun na inaabot ito sakin.
"Anong gagawin ko diyan?" Pataray kong tanong sa kanya.
Tumagilid naman agad ang ulo niya sa sinabi ko. "Ano bang ginagawa sa towel?" Oo nga naman, ang lakas makabobo ng tanong mo, Blair.
"Wipe yourself up, you're soaking wet." Ayoko naman sanang tanggapin kaya lang wala na akong choice. Kesa naman mamatay ako sa sobrang lamig, lulunukin ko nalang ang pride ko.
Kinuha ko ang towel at tumalikod na sa kanya. Pinunasan ko naman agad ang sarili ko. Nang ibabalik ko na sana ang towel sa kanya, nakita ko ang walang hiya na nakatingin na naman sa katawan ko. Manyakis talaga!
"Eyes up, Montesilva." Buong diin kong sabi sa kanya.
Di man lang nahiya si loko na nahuli ko siya. Binato ko naman agad ang towel sa kanya. Nagmadali naman akong nagbihis dahil baka mamaya kung saan-saan na naman mapadpad ang tingin ng lalaking to.
"Di man lang nagpasalamat." Pagpaparinig pa niya.
I faced him and showed him my most sarcastic smile. "Thank you ah." At inirapan siya pagkatapos.
"Anything for you, Blair." He then winked at me.
"How do you know my name?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Wala naman akong maalala na sinabi ko ang pangalan ko sa kanya.
"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Greco na katulad mo?" I somewhat agree with him. Halos lahat ata ng tao dito sa buong Almeria kilala kaming mga Greco.
"Tss. Malay ko bang stalker ka pala. Lalo na't bigla-bigla ka nalang sumusulpot kung saan-saan."
"Ang gwapo ko naman palang stalker kung ganon." Mayabang pa niyang sabi habang hawak ang kanyang baba.
Damn those lips!
"Eyes up, Blair. Baka mamaya isipin kong gusto mokong halikan." Ang kapal!
"Ang kapal ng mukha mo. Eh ikaw nga tong manyakis!" Sikmat ko pa.
"Ano? Sa gwapo kong to? Tatawagin mokong manyakis?" Di makapaniwala niya pang tanong sakin.
"Totoo naman ah. Kung hindi ka manyakis,bakit bigla mo nalang akong niyakap sa bewang dun kanina. Manyakis lang gumagawa nun, alam mo ba yon!"Magdedeny pa talaga siya.