CHAPTER 11

682 32 0
                                        


Maaga akong gumising kinabukasan-- more like hindi naman talaga ako nakatulog. Yung plano ko kagabi na magpapahinga ako, hindi naman nangyari. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa memorya ko ang mga nakakalokang pangyayari kagabi. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Ako na ata ang pinaka marupok sa buong bayan ng Almeria. Punyeta.


Nagbihis na agad ako at bumaba ng sala. Hindi pa ata sila lumalabas ng kwarto kaya nagpahatid agad ako sa driver papuntang school. Sa totoo lang, iniiwasan ko na muna si mommy. Hindi ko alam kung anong magiging pakikitungo ko sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi. 


That was the very first time na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na nagawa niya akong sampalin dahil lang pinaalis ko si Selena sa kwarto ko. Ni hindi man lang niya naisip na baka masama ang pakiramdam ko.


Pagkadating ko ng university, dumiretso na muna ako ng library. Tutal maaga pa naman, matutulog na muna ako don. Pagkapasok ko ng library, wala pang masyadong estudyante. Tamang punta naman ako sa sulok na hindi ako makikita ng iba at pinatong ang bag ko sa lamesa at yumuko na para matulog.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog nang maalimpungatan ako. I've been hearing sounds, parang click ng camera. Agad naman akong napadilat at nagulat nang makita kung sino ang taong katabi ko ngayon.


"ANO--" Di pa ako nakakapagsalita ay tinakpan niya na agad ang bibig ko.


"Ssh. Wag kang sisigaw baka makita tayo ng student assistant dito." Sabi niya pa sakin gamit ang napaka hina niyang boses.


Inis ko namang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. "What are you doing here? Sinusundan mo ba ako, ha?"

He just laugh at me. "I was planning to sleep here as well kaya lang nagkataon na nakita kitang natutulog din dito. What a nice way to start my day. How was your sleep, mi bella?"


Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ayan na naman yang mga mata niyang akala mo hinihigop ka. I got my things and was ready to leave when he spoke. "Wanna grab some lunch with me later?"

Napakunot naman agad ang noo ko sa sinabi niya. "Why would I have lunch with you? Hindi tayo close para maglunch ng magkasama."


"After what happened last night, I can totally say na close na tayo ngayon." He smirked at me. I instantly blushed at what he said.


"What happen last night was a pure mistake at hindi na yun kelan man mauulit." I told him. I saw how his face darkened. He went near me and whispered on my ear. "The way your body responded to my touches and kisses, I don't think we can consider that as a mistake. You know we both like it, mi bella. I can still hear your moan--" Lumayo naman ako sa kanya.


"Let's just keep distance away from each other, Rogue. I don't want anything to do with you aside from making your school projects. Once the deal is over, we're done." I need to stop whatever is going on between us now. Hindi makakabuti sakin kung magkakadikit na naman kami ulit.


Nanunuya naman siyang tumingin sa phone niya. "Hmm, ano kayang magandang i-caption sa picture nato?" Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "What do you think would be the best caption for this?..."He asked me sabay pakita ng picture sa phone. I stunned. That was me when I was sleeping awhile ago.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon