CHAPTER 46

515 33 21
                                    

WALANG kapantay na sakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong naging bingi sa mga narinig kong yun. Kulang na lang mabuwal ako sa mismong kinauupuan ko. Totoo ba talaga 'to? Selena, my sister will get married to...Rogue?

"Oh my god!" Napabaling naman ang tingin ko sa aking kapatid na ngayon ay labis ang kasiyahan sa mukha. "Is that really true, Papito? I'll be marrying Rogue?" Nakita ko naman na tumango sa kanya si Papito na may ngiti rin sa mukha.

My hand formed into a fist and was trembling. Mahigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking damit.

"I'm so happy!" Aniya na may malapad na ngiti sa mukha.

"We didn't know that you like that Rogue Montesilva that much.." Sabi pa ni Ryder sa kanya.

Nilingon naman siya ni Selena. "Well, matagal ko na siyang gusto. Hindi ko lang talaga sinasabi kasi nga bawal pa but mom knew about it and she supported me."

Parang may panibagong kutsilyong tumarak sa puso ko. Mom knew that Selena likes Rogue? And she supported her? Wow! Nakita ko pa kung paano nag-iwas ng tingin sakin si mommy like I caught her red-handed. 

"But isn't this a bit too much, Papito? Nag-aaral pa lang sila tapos magpapakasal na sila agad ng agnito kaaga?" Kuya Axl said.

Tahimik lang ako buong magdamag. Tinitiis kong pakinggan ang mga bagay na sinasabi nila.

"Hindi naman sila agad magpapakasal, Axl. They'll just be engaged habang tinatapos nila ang kanilang pag-aaral. And after graduation, tsaka pa lang sila ikakasal. For sure, by that time nakilala na nila ang isa't-isa." It was dad. Pati pala si daddy, kasali din dito.

Nanginginig ang mga nakakuyom kong kamao sa ilalim ng lamesa nang maramdaman ko ang hawak sakin ni Ate Claudia. I looked at her and I saw sadness in her eyes as she looked back at me.

"Buti at pumayag yung Rogue.." Ani Jax at saglit pang tumingin sakin.

"Oh, wala naman naging problema kay Rogue because he seemed interested with your cousin as well. I heard you've been going out for two days now?" Ani Papito.

They're seeing each other for two days now? Kaya ba nagmamadali siyang umalis nun sa hotel room dahil pagkatapos niya akong pagsawaan sa kapatid ko naman siya pumunta. Walang hiya talaga siya!

Hindi ko na nakayanan ang mga susunod pa nilang sasabihin kaya naman tumayo na ako. Nalipat naman ang tingin nila sakin..

"Blair, what is it?" Tita Matilda asked.

"Kung wala na ho kayong mahalagang pag-uusapan, pwede na ho ba akong umakyat? I still have paper works to finish."

Tumango naman si Papito sakin kaya agad akong naglakad paalis sa hapag—palayo sa kanilang lahat. Hindi ko na kaya pang manatili dun baka pag pinilit ko pag ang sarili ko, sumabog na lang ako.

AGAD kong sinara ang pinto ng aking kwarto at napasandal dito. Nanginginig ang mga labi at nakatiim bagang pilit kong pinipigilan na huwag maluha.

Wag kang iiyak, Blair. They don't deserve your tears!

Naglakad na ako patungo sa study table ko nang biglang bumukas ang pinto at nakitang pumasok si mommy. Biglang umusbong lalo ang galit at sakit na kanina ko pa nilalabanan.

Nakatingin lang siya sakin. Unlike, the time when she knew everything about me and Rogue na kung saan galit na galit siya, ngayon tinitingnan niya ako na para akong nakakaawa sa paningin niya and I fucking hate it!

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon