CHAPTER 3

717 46 1
                                        


Pagdating namin ng university, dumiretso naman agad kami sa may registrar. Buti nalang hindi pa ganun kahaba yung pila.

 


Nakita ko naman na nag-aantay sina Ate Claudia. "Tagal niyo naman." Sabi niya pa pagkalapit namin.



"Kumain pa kasi kami eh. Sorry na." Sabi ko naman sa kanya.



"Pila na tayo baka mamaya dumami nalang bigla yung mga estudyante." Sabi naman ni Kuya Axl samin.



Lumapit naman kami sa may registrar at nagsipila na. Naging mabilis lang naman ang pagpapasa ng requirements kaya mabilis lang din kaming natapos.


"O san na tayo niyan ngayon?" Tanong pa ni Wyatt.


"Gala muna tayo. Maaga pa naman eh." Ryder suggested.


"Pumunta nalang tayo ng mall. Kailangan ko kasing bumili ng school supplies eh." Nagsipag payag naman sila kasi pare-pareho rin naman kaming wala pang mga gamit para sa pasukan.



"Una nalang kayo. Dadaan muna akong library. May hahanapin lang akong libro." Sabi ko pa sa kanila.



"Antayin ka na lang namin. Mabilis ka lang naman siguro don di ba?" Tanong pa ni Kuya Axl.



"Hindi na kuya baka matagalan kasi ako. Susunod nalang ako sa inyo."



"Iwan ko nalang tong susi ng kotse ko para di kana magcommute mamaya. Ingatan mo yan ah, baby ko yan. Kina Wyatt nalang ako sasabay." Sabay bigay sakin ni Jax ng susi ng kotse niya.


"Thanks Jax."



"O pano? Mauna na kami, sunod ka na lang don. Tawagan moko pag nasa mall ka na ha?" Ate Claudia told me.


"Sige, ate."


"Drive safely, Blair." Bilin naman sakin ni Kuya Axl.



Ngumiti naman ako sa kanya. "I will, kuya. Don't worry."


Umalis na din naman sila papuntang mall samantalang naglakad naman ako para hanapin kung nasan ang library.


Marami pakomg napagtanungan bago ko matunton ang hinahanap ko. Diretso akong pumasok at naghanap ng librong tungkol sa medisina. Nang makahanap ako, hihiramin ko na sana kaya lang hindi ako pinayagan kasi nga hindi pa daw nagsstart ang klase. Wala pa din akong library card.


Tsk, oo nga naman Blair. Ba't di mo naisip yun?


Wala na akong nagawa kundi ibalik nalang ulit ang librong kinuha ko. Masyado yata akong naexcite at nakalimutan kong wala pa palang pasok.


Lumabas na agad ako ng library at naglakad agad papuntang parking lot. Dun nalang siguro ako sa mall bibili ng books na pwede kong basahin. I drive my way all the way to the mall at tinawagan ang mga pinsan ko.

"Andito nako. San kayo?" Sabi ko pa kay Ate Claudia mula sa kabilang linya.

"Magkita nalang tayo sa may national. May tinitingnan lang kami dito sa may 2nd floor." Pagkababa ko ng tawag agad naman akong naglakad papuntang NBS.


Habang naghihintay, dumiretso agad ako sa mga books related to medicine. Di ko maiwasang hindi mapangiti habang nakatingin sa librong nasa harap ko. I really love books. I also love to read kaya heaven na maituturing pag napapadpad ako sa isang bookstore.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon