CHAPTER 26

583 28 0
                                    

Tahimik lang ako pagbalik ko sa table namin. Hindi pa din mawala sa isip ko ng utak ko ng mga narinig ko kanina.


"Ang tagal mo naman."
Untag pa sa 'kin ni Sam pagkaupo ko sa table namin. Hindi ko na siya at nanatili pa ring tahimik. Kung kanina ay walang paglagyan ang gutom ko, ngayon halos hindi ko man lang magawang galawin ang pagkain sa harap ko.


"Okay ka lang ba, Xena? Ayaw mo ba niyang inorder ko para sayo?..." Napaangat naman ang tingin ko kay Timothy na kanina pa pala nakatingin sa'kin. "...Pwede naman akong bumili ng iba kung gusto mo.." Dagdag niya pa.


"Hindi na.. ayos na 'to. Wala lang ata akong gana.." Sabi ko pa sa kanya.


"Ha? Wala kang gana? Eh di ba nga sabi mo pa kanina gutom ka.." Nagtatakang sambit pa ni Sam sabay kapa sa noo ko. "..wala ka namang lagnat."


"May nangyari ba kanina habang kumukuha ka ng tubig? May umaway ba sayo?" Biglang tanong pa ni Timothy. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.


"Wala noh, ayos lang ako.. ganito lang talaga ako minsan..biglang nawawalan ng gana." I lied to him.


"Imposible din na may umaway diyan kay Blair. Napaka tanga na lang ng taong magbabalak na saktan ang isang Greco.." Sam added. I shifted my gaze towards Sam. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Talaga nga ba?


"You still need to eat, Xena. Baka magutom ka mamaya sa klase.. puro pa naman tayo discussion." Giit pa ni Timothy. Ngumiti naman ako sa kanya at nagsimula ng kumain. Wala din naman mangyayari kahit gutumin ko pa ang sarili ko, hindi naman mababago non ang mga nalaman ko. Tapos na, wala na akong magagawa.


HINDI KO alam kung paano ako nakatagal sa mga discussions namin eh buong hapon lang naman  lutang yung utak ko. Aaminin ko na naapektuhan ako sa mga nalaman ko kanina. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako.


Okay lang naman yun, di ba? Karapatan ko naman na maramdaman yun kahit na hindi kami ni Rogue. Pinagmukha niya akong tanga kumbaga hindi nga kami pero nagawa na niya akong lokohin ng ganon. Ang lakas pa ng loob niyang manligaw sakin.


Napabalik naman ako sa reyalidad ng sikuhin ako ni Sam. "Uy, nakikinig ka ba? Kanina ka pa tulaley diyan..."


"Sorry.. you were saying?" Get a hold of yourself, Blair!


"Ayos ka lang ba talaga? Simula nung lunch break pansin namin na parang wala ka na sa sarili mo. Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong niya pa.


Pinilit ko naman na ngumiti sa kanya. "Pagod lang siguro ako. Ang dami kasi nating ginagawa....." Palusot ko pa. But I know Sam, alam kong hindi niya agad paniniwalaan ang sinasabi ko. She eyed me suspiciously. I thought kukulitin niya pa rin ako pero she just brush it off.


"Pinag-uusapan namin kanina na kung papayag ka ba na tayong tatlo na lang ni Timothy ang magka grupo para sa project na'to. Okay lang ba sayo?" Tanong niya pa.


Mabilis naman akong tumango sa kanya. "Oo naman... okay nga yon eh kasi magkakakilala na naman tayong tatlo."

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon