Ilang araw na din mula ng tagpong yun sa falls. Ilang araw na din akong naiinis kay Rogue. Pinanindigan niya talaga ang sabi niyang manliligaw siya sa'kin.
Magaling na din ang sugat ko sa paa kaya naman balik university na ako. Halos ilang araw rin akong puyat na naman dahil sa dami ng kailangan kong habuling lesson.
"Kailangan ba talaga nakabuntot sayo yang bodyguard mo kahit andito lang naman tayo sa loob ng library?" Bulong pa sa 'kin si Sam. Napatingin naman ako kay Rogue na parang tanga na panay kuha ng libro pero hindi naman niya binabasa.
Naalala ko pa nung unang beses kong pumasok ng university pagkatapos ng nangyari. Halos mamatay na ako sa hiya habang pinagtitinginan dahil nga may bodyguard pa akong kasama.
Kinailangan ko pang umisip ng palusot kay Sam dahil maging siya nagtaka kung bakit may bodyguard ako.
"Hayaan mo na. Yun kasi ang utos ni daddy sa kanya eh. Kailangan nakasunod siya kung saan man ako magpunta." Tumango naman siya sa sinabi ko.
"Hindi ka naman siguro gumawa ng kalokohan noh?" Biglang tanong niya pa.
"No."
"Nakakaloka lang kasi ilang araw ka ding nawala tapos pagbalik mo may bodyguard ng nakabuntot sayo kaya akala ko may ginawa kang kasalanan." Ani niya.
Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Wala naman din akong balak na sabihhin sa kanya ang totoong dahilan. Naalala ko pa na ulanin ako ng mga kaklase ko ng tanong kung bakit ang tagal kong nawala lalo na yung kagrupo ko sa project. Buti na lang natapos na namin ang lahat bago pa mangyari ang insidenteng yun.
Ilang oras din kaming namalagi sa library para tapusin ang mga lab sheets na kailangan kong ipasa.
"Ayan, tapos mo na." Nag-inat pa siya bago niligpit ang mga gamit niya.
"Salamat ha, tinulungan mo'ko." Sabi ko pa sa kanya.
"Naku, wala yun noh. Ikaw pa!"
Napangiti naman ako sa kanya. Bukod sa mga pinsan ko, siya lang talaga ang itinuturing kong taong malapit sa'kin dito sa university. "I'll just treat you lunch as a way of saying thanks."
"Hindi na naman kailangan yun, Blair."
Umiling naman ako sa kanya. "No, I insist."
"Hmm, sige na nga. Mapilit ka eh." Tinapos na namin ang paglilipgpit ng gamit para pumuntang canteen.
Lumapit naman ako sa table ni Rogue at nakitang natutulog si loko. Ibang klase talaga 'tong lalaking 'to. Pasimple ko naman sinipa ang paa niya sa ilalaim ng mesa dahilan para magising siya.
Napaayos naman kaagad siya ng upo nang makita ako. "Halika na. Pupunta kaming canteen." Tumango naman siya at sumabay samin palabas ng library.
"Alam mo sa susunod, kung matutulog ka lang din naman sa library, wag ka na lang pumasok. Sa labas ka na lang maghintay." Sermon ko pa sa kanya. Sinadya ko talagang magpahuli ng lakad para kausapin siya.
"Ikaw naman babe, galit ka na agad." Inis naman akong napatingin sa kanya.
"I told you to stop calling me that. Baka mamaya may makarinig sa'yo." Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na tigilan ang pagtawag sa'kin ng babe pero ayaw niya pa ring paawat.
Pagdating namin ng canteen nakita ko naman ang mag pinsan ko sa isang table. Naglakad naman agad ako palapit sa kanila.
As I sat on our table, I noticed that they're all quiet. "Ah, what's happening? Is everything okay?"