HALOS mawindang ako sa mga kaganapang nasasaksihan ko ngayon. Malamang dahil ngayon ko lang din nakita ng personal ang lolo ni Rogue.
Nang bitawan nila ang kamay ng isa't-isa ay agad na pinakilala ng nakakatandang Montesilva ang kanyang pamilya.
"I'm sure you already know my family." Anito.
"Oo naman.. hindi ganun kalaki ang Almeria para hindi ko sila makilala." Ani lolo, pagtutukoy sa pamilyang nasa likod ng nakakatandang Montesilva.
Napatingin naman ako sa kanila. Nakita ko agad ang pamilyar na mukha ni Knight Montesilva na katabi si Phoenix. Nagawi ang panangin ko sa kaliwa at doon nasalubong ang matalim na titig sakin ni Rogue.
His eyes were pitched black and his jaws were clenched. Bumaba ang kanyang mga titig pababa sa aking katawan na para bang metikulosong sinisipat ang aking suot. Muling bumalik ang kanyang tingin sa akin na nagsasabing hindi niya nagustuhan ang suot ko.
"My darling Xeb-xeb, come here.." Natuon naman ang paningin nilang lahat sa akin nang tawagin ako ni Papito para palapitin sa kanya.
Naguguluhan man ay naglakad ako palapit sa kanya at tsaka huminto nang nasa gilid na niya ako. "What is it, Papito?" Tanong ko pa sa kanya.
Kita ko ang kalituhan sa mga mata ng mga pinsan ko, maging si Rogue ay hindi rin alam kung anong nangyayari. Akala ko ba magkagalit ang mga pamilya namin, bakit kung makapag-usap kami eh para kaming nasa isang reunion?
"This is my granddaughter, Xena Blair Greco. This is her first time in the society ball." Rinig kong pagpapakilala sakin ni Papito sa nakakatandang Montesilva.
"Ah, such a beauty indeed. Kamukhang-kamukha nga siya ni Maria Athena noong kabataan nito." Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ng lola ko at mukhang wala lang yun kay lolo. "It was nice knowing you, Xena Blair." Anito sabay lahad ng kamay niya sakin.
Napatingin pa ako kay Papito at nakitang tumango siya sakin, kaya naman tinanggap ko ang pakikipag-kamay nito sakin. "Nice meeting you din po, Sir."
"Alam mo bagay na bagay kayo ng isa sa mga apo ko.." Aniya na kinagulat ko.
"H-ho?" Pasimple kong tiningnan ang direksyon ni Rogue na tahimik lang habang nakikinig.
"Knight, come here.." Mula sa pinakalikod ay nakita ko ang paglapit ng isang matangkad na lalaki na nagtataglay ng mga matang kasing kulay ng karagatan. Huminto siya sa harap ko katabi ng nakakatandang Montesilva.
Gulat naman si Knight na nakatingin sakin. Maging siya ay hindi alam ang gagawin. What the fuck is happening?!
"Xena Blair, meet my grandson, Knight Clint Montesilva." Pagpapakilala niya pa sa apo niya na kung tutuusin ay hindi naman kailangan dahil kilalang-kilala ko naman ito.
"Hi, nice to meet you." Ani Knight.
Inabot ko ang kamay niya and I simply shook it. "Likewise." I don't like where this thing is going. Agad naman na nagbitaw ang mga kamay namin na animo'y kasalanan ang paglapat nito sa isa't-isa.
Pagkatapos ng mga pagpapakilala ay naupo na din kami at kamalas-malasan pa na kasama din namin sila sa malaking table. Agad na hinanap ng mga mata ko si Rogue at nakitang seryoso lang siyang nakatingin sakin.
Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa purse na hawak ko, agad ko itong kinuha at nakitang may text si Rogue.
From: Mi Amore
