MATIIM lang na nakatingin sakin si Rogue habang nagbibihis. After making love, agad akong nagtungo sa banyo to freshen up. Hindi kami pwedeng malate sa lunch lalo pa't paniguradong magagalit si daddy.
"Do you really have to wear that?" Iritadong tanong niya pa.
I can't help but to mentally roll my eyes. Ang laki talaga ng problema niya sa damit na suot ko.
"Yes.. and it's final. Wala na akong planong magpalit."
Kita ko sa salamin ang pag-ismid nya.. halatang ayaw niya talaga sa dress na suot ko. Tumigil ako sa pagsuklay ng buhok ko at lumingon sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa aking kama.
"Rogue, I'll be seeing my family so wala akong makitang mali sa suot kong 'to.."
"Ayaw ko lang kasi na masyadong expose yang mga legs mo...akin lang dapat yan eh." He pouted.
Hindi ko naman mapigilan na hndi mangiti sa inasal niya. Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya.. at kumandong sa kanya.
"My ever possessive..baby. Andon ka naman eh, so for sure babantayan mo ako." Pampalubag-loob ko sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi bumuntong-hininga na lang. Tumayo naman agad ako at tinapos ang pag-aayos. I'm starting to feel his bulge kasi kaya naman lumayo na agad ako sa kanya..baka mamaya kung saan na naman kami mapunta. We've been doing it for often these past few days.
Pagkatapos kong mag-ayos, nauna na akong bumaba sa kanya patungong sala. Hndi naman kasi pwedeng may makakita sa kanyang lumabas ng kwarto ko....hahanap na lang daw siya ng paraan para makalabas.
Naabutan ko naman si Selena na busy kakaselfie sa may couch. Napatigil lang siya nang makita niya akong pababa ng hagdan.
"Let's go.." Yun lang ang tangi kong sinabi sa kanya bago siya lagpasan. Ayaw ko man na maging malamig ang pakikitungo ko sa kanya pero naisip ko lang na kailangan niya din marealize na mali na ang mga inaasal niya.
Bumungad namin ang nakangiting si Rogue na suot na naman ang disguise niya. Lihim naman akong napangiti sa kanya ng makita ang mga titig niya sakin.
Binuksan niya ang pinto sa may passenger seat agad naman akong pumasok doon kasunod ni Selena.
TAHIMIK lang kami sa buong biyahe. Selena was busy with her phone while Rogue and I were also busy stealing glances to each other through the rear view mirror.
Naputol naman ang titigan namin nang magtanong si Selena kay Rogue..
"Max, I was wondering.... do you have a girlfriend?"
"Yes, I do have.." At pasimple akong tiningnan sa salamin. Lihim na lang akong napapangiti sa naging sagot niya.