CHAPTER 48

584 37 2
                                    

MABILIS na lumipas ang isang buwan. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang makayanan ang isang buwan na yun. Mas naging abala silang lahat sa paghahanda para sa engagement party, ang alam ko lang gaganapin yun pagkatapos ng sem which is two days from now.

Selena has also been bugging me about me being her maid of honor. Minsan na naiinis na din ako sa sobrang kakulitan niya kaya bago pa man ako sumabog agad na siyang iniiwas sakin ni mommy. Of course, she should really do that baka mamaya magkabulgaran ng wala sa oras.

"Grabe masaya ako na halos patapos na ang sem na 'to pero feeling hindi na ako aabot ng buhay. Feeling ko hindi na ako magiging doctor, pasyente na labas ko neto.." Reklamo pa ni Sam.

"Ikaw, puro ka nalang reklamo diyan. Eh ikaw naman 'tong nagsabing gawin na 'tong topic na 'to, bida-bida ka din kasi eh.." Ani Timothy sa kanya.

May final reporting pa kasi kami bukas at medyo mahirap ang napiling topic ni Sam.

"Ang sama mo naman sakin Suarez! Hindi ko naman kasi alam na ganyan pala kahirap yan.."

"Wag ka ngang magpout diyan para kang asong may rabies eh.."

Itong dalawang 'to ata ang rason kung bakit nakayanan ko ang nagdaang buwan. Itong mga bangayan nilang ganito ang nagpapatawa sakin.

Hindi ko naman mapigilan na humikab habang habang nakikinig sa kanila. Ilang araw na akong puyat kaka-aral tapos ang dami ko ding tinatapos na papers.

"Okay ka pa, Blair?" Nilingon ko naman si Timothy at tinanguan.

"Bilisan na lang natin 'to para makauwi ka na.." Aniya. For the past month, Timothy has been a very good companion and support system to me. He always makes time kapag alam niyang nahihirapan na naman ako.

Yung tipong tatambay lang kami sa park tapos iiyak ako buong magdamag habang matiyaga lang siyang nakikinig.

"Okay lang. Ayaw ko din naman umuwi ng maaga ngayon."

"Bakit naman?" Sam asked.

"Rogue will be at our house tonight." Nasabi ko na rin pala sa kanya ang totoo tungkol samin ni Rogue. Noong una, gulat na gulat siya kasi hindi niya daw talaga nahalata pagkatapos panay siya hingi ng sorry kasi lagi niya akong kinukulit noon sa kasal ng kapatid ko at ni Rogue.

"So, tuloy na pala talaga?"

"Dalawang araw na lang.. wala na silang planong iurong yun." Sabi ko pa.

Nakita ko naman na bigla silang nalungkot habang nakatingin sakin. "Hey, it's okay. Kahit papano tanggap ko na naman." Sabi ko pa sa kanila.

"Bakit kasi hindi mo na lang kausapin yang spoiled mong kapatid? Para naman matauhan yan at magkaroon ng konting hiya sa katawan." Simula ng nalaman ni Sam ang lahat, naging inis na din siya kay Selena. Hindi ko naman siya masisisi kasi yun talaga ang nararamdaman niya.

"Wag na, ayoko na ng gulo. Isa pa, ako lang magmumukhang desperada at kawawa. Hiniwalayan na ako ni Rogue nun bago ko pa lang nalaman na ikakasal sila so technically walang ginawa ang kapatid ko."

"Paano ka naman nakakasigurado sa bagay na yan? Sabi mo nga na matagal ng gusto ng kapatid mo yang si Rogue. Malay mo ba kung may ginawang kababalaghan yan para magkasira kayo.." Naiinis na sabi ni Sam.

"Sam, hindi naman kasi ako basta-basta pwedeng magbintang na lang ng walang basehan baka bumalik lang din sakin ang sisi."

"Nakakainis lang kasi. Ikaw na nga 'tong inagrabyado nila ng ganyan tapos ngayon ikaw pa rin ang umiintindi. Wala na nga silang ginawa kundi pasakitan ka. Hindi ko alam kung paano nila nakakayang gawin yun sayo."

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon