"Ang oa mo naman. May patay-patay ka pang nalalaman diyan." I told him. Ayoko na lang seryosohin ang mga sinasabi niya. Tumayo na ako at naglakad papunta sa may kubo.
"Xena."
Agad naman akong napalingon sa kanya nang tawagin niya ako. "Bak—" Pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang salubungin ng mga labi niya ang labi ko.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Gulat ang mga mata ko habang magkadikit pa rin ang aming mga labi na para bang hinulma ang mga ito para sa isa't-isa.
Mabilis ko naman siyang itinulak nang may maalala. Tumingin ako ng masama sa kanya. "Why did you do that?"
"Because I want to." Preskong sagot niya pa. "Your lips still taste so sweet like the last time."
Bigla naman uminit ang ulo ko sa sinabi niya. "Ganyan ka ba talaga ha? Do you really just kiss girls randomly just because you wanted to?!"
Imbes na magseryoso nakuha niya pa talagang tumawa. "I don't kiss girls randomly, Xena. I only do it with you." Ani niya pa.
Hindi ko man lang magawang kiligin sa mga sinasabi niya bagkus tinaasan ko lang siya ng kilay. "Oh really? Well, tell that to your girlfriend at huwag sa'kin." Akala niya nakalimutan ko na yung eskandalong kinasangkutan niya. Ha!
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko. "At kaninong pasmadong bibig mo naman narinig ang kalokohang yan?" Nagtataka niya pang tanong sa'kin.
"Don't even dare to deny it, Rogue. Mismo yung babae pa ang nagsabi na may relasyon kayo at matagal na..." Giit ko pa sa kanya. "...Does she even know the things that you're doing? Alam niya ba bodyguard kita? 'Cause I know for sure pag nalaman niya, magagalit siya." I added.
"Who are you talking about?"
"Stacy, yung captain ng cheerleading squad ang AU." I told him.
Tuluyan naman siyang napatawa ng malakas na parang isang malaking kabaliwan ang mga pinagsasabi ko. "Stacy? You really believe that kind of bullshit?" Hindi makapaniwala niya pang tanong habang panay pa rin ang tawa. "She's not my girlfriend, Xena."
Hindi sila? Pero bakit yun ang sinasabi ng babaeng yun? "I don't believe you. Di ba nga nahuli pa kayong gumagawa ng milagro sa loob ng locker room. Hindi ka na nahiya at sa school ka pa talaga nagkakalat." Asik ko pa sa kanya.
Humupa naman ang tawa niya at simpleng ngumiti sa'kin. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala but I'm telling you, she's not my girlfriend. Ang daming babae na ang nagkakalat ng ganyang mga balita tungkol sa'kin kaya hindi na bago sa pandinig ko yan..." Paliwanag niya pa.
Hindi pa rin ako kumbinsido. "How about the locker room incident? Are you going to deny that as well?"
"No. Alam ko naman na marami ka ng narinig tungkol sa kaganapang yun, so what's the point of denying it, right?" He said.
"Proud ka pa talaga." Sabi ko pa sa kanya. I just rolled my eyes at him at tumalikod na pero marahan niya akong hinila agad sa braso kaya napaharap ulit ako sa kanya. This time, sobrang lapit ng distansya namin sa isa't-isa.
"W-what?" Panay ang iwas ko sa kanya. Hindi ko kasi magawang titigan siya sa mata.
"Look at me."
Isang sabi niya lang sa'kin non at para na akong isang maamong tupa na tumingin sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa mukha ko. Ilang beses din akong napapalunok.
![](https://img.wattpad.com/cover/240115930-288-k145723.jpg)