CHAPTER 16

633 33 4
                                        

"Where have you been?" Salubong pa sa 'kin ni Wyatt nang makabalik ako sa table namin.

"Nagpahangin lang ako. Nahihilo na kasi ako kanina eh." I lied. Mainit pa din ang ulo ko dahil sa naging sagutan namin ni Rogue kanina. Anong karapatan niyang panghimasukan ang buhay ko?! Dahil ba may nangyari sa 'min, iniisip na niya na pwede na siyang mangialam sa buhay ko?!

Inis kong tinungga ang beer sa lamesa. Bwisit! "Hey Blair, take it slow with the beer. Akala ko ba nahihilo ka na." Jax said.

"Nawala na ang hilo ko." Sagot ko pa sa kanya.

"Ah kaya nagpapalasing ka na naman, ganon?" Wyatt butt in.

"Will you please mind your own business? Ano pa't nasa party tayo kung pagbabawalan niyo 'kong uminom?" Inis kong sabi sa kanila. Ano display lang 'tong mga alak sa harap namin?

'Woah, chill there cous. May nakaaway ka ba sa labas at ang init ata ng ulo mo?" –Wyatt. Kung alam niyo lang. Pero syempre hindi naman ako tanga para sabihin yun sa kanila.

"Isa pa, hindi ka namin pinagbabawalan na uminom. An gamin lang magdahan-dahan ka baka mamaya bumulagta ka na lang diyan bigla." Dagdag pa ni Jax.

Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang pag-inom ko. Nahagip ng mga mata ko si Rogue na nakikipaglampungan sa isang babae. Nakahawak pa talaga sa dibdib niya ang babae niya habang naghahalikan silang dalawa.

Ibang klase talaga ang kakapalan ng mukha niya! Pagkatapos niyang pagsabihan ako kanina sa pakikipagsayaw ko sa lalaking di ko kakilala, siya naman 'tong nakikipag landian. Such an asshole!

"Blaaaaiirrr!" Napaangat naman ang tingin k okay Ate Claudia na mukhang lasing na ata. May kasama siyang isang lalaki na hindi ko naman kilala.

"What happened to you? At sino yang kasama mo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Oh, this is Brandon..." Pakilala niya pa sa lalaking kasama niya. Lumapit naman siya sa 'kin para bumulong. "Gusto ka daw niyang makilala, crush ka ata." Kinikilig niya pang sabi.

Umayos na siya ulit ng tayo at muling humarap dun sa Brandon. "Brandon, this is my cousin Xena Blair Greco and Blair... this is Brandon." Pakilala niya pa samin sa isa't isa.

"Hi, Xena. Nice meeting you." Nilahad niya pa ang kamay niya sa 'kin. Tumayo naman ako bago tanggapin ang kamay niya at bingyan siya ng matamis na ngiti. "Same here." Mukha naman siyang matino. Sigurado din ako na hindi naman ako ipapakilala ni Ate Claudia sa isang loko-loko.

"Sige, you guys should enjoy the night." Tulak pa sa 'min ni Ate Claudia.

"Don na muna tayo sa may bar counter?" Aya niya pa sa 'kin.

Naglakad kaming dalawa papuntang bar counter at kita ko ang pagsunod ng tingin ni Rogue sa aming dalawa. Wala akong pakilam sa kanya. Kahit pa makipaglampungan siya diyan wala akong pakialam.

"Here, have this." Abot niya pa sakin ng inumin.

"So, I heard that you're now studying here in Almeria." Sabi niya pa.

"Pati ba yung mga ganyang bagay nababalita pa talaga sa buong Almeria?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Well, pagdating sa inyong mga Greco lahat naman ata alam ng mga tao." He said which I agreed upon.

"Ikaw sa Almeria ka rin nag-aaral?" It was my turn to ask.

"Hmm yeah, but sa St. Claire talaga ako nag-aaral." Sagot nya pa.

"Anong course mo?"

"Medicine."

Unti naman nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Really? Parehas pala tayo."

Tiningnan naman niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Woah, seriously? A Greco taking up medicine and not a business course? That's new."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Haha! Nakakagulat ba? Actually, I've been hearing those kind of reaction from other people before. Kahit sa family namin hindi sila makapaniwala."

"Because that's just unbelievable. I mean halos buong mag-anak niyo is focus sa business o di kaya sa mga clothing lines. But here you are, taking a different path." Ngumiti lang ako sa kanya.

"But I'm pretty sure that you can make it. Nakikita ko na magiging magaling na doctor ka pagdating araw. I'm looking forward to seeing you in the field, Xena." I don't know why but I got a little bit emotional. It was the first time that someone has told me that aside from my family.

Halos lahat kasi ng taong nakapaligid sa 'kin kapag nalaman nila na medisina ang kinuha kong kurso they're a bit doubtful if I can make it. Maybe because I was the only one who took a different path but I will prove to them na tama ang desisyon ko.

"Thank you, Brandon. Excited na din akong makatrabaho ka sa iisang ospital in the future." Hopefully, magkatrabaho kami.

Masaya lang kaming nagkukwentuhan nang may biglang bumangga sa kanya dahilan para matapon ang inumin niya sa suot niyang tshirt.

"Oh my god, are you okay?" Dali-dali akong kumuha ng tissue at tinulungan siyang punasan ang tshirt niya.

"Hey, I'm okay." Natatawa niya pang sabi. Parang balewala lang sa kanya ang nangyari.

"Sorry."

Sabay naman kaming nag-angat ng tingin sa nagsalita at nakita ang seryosong mukha ni Rogue na madilim ang tingin sa aming dalawa. Nakita ko pang bumaba ang tingin niya sa kamay kong nagpupunas sat shirt ni Brandon. His jaw tightened at the sight of that.

"Okay lang pare. I'm sure hindi mo naman sinadya." Brandon told him then he continued wiping his shirt.

"Pano kung sinadya ko pala?" Biglang sabi pa ni Rogue.

"What?"

"Paano kung sabihin kong sinadya kong banggain ka para talagang matapunan ka ng inumin?" What the hell is his problem?!

"Why would you do that?" Buti na lang hindi mainitin ang ulo ni Brandon.

Rogue just shrug. "Wala lang. I just felt like doing it." Ang laki niya talagang gago!

Seryoso namang napatango si Brandon. "Well, I hope you had fun."

Rogue didn't seem to like what Brandon just said. He was about to go near us when my cousins intervened.

"Is there a problem here?" Kuya Axl asked. Wyatt, Ryder and Jax was just standing behind his back while Ate Claudia went near me.

"Anong nangyayari? Are they fighting?" Bulong niya pa sa 'kin. I shook my head at her.

"There's just a little accident here but everything's fine." Brandon told them.

"What are you doing here, Montesilva?" Jax was the one who asked Rogue.

His gaze went to me before walking away from us without even saying anything.

"What the hell was that?" Ryder asked.

Hindi ko na sila pinansin at tumingin lang sa dinaanan ni Rogue kanina. What really is your deal, Rogue?

---

Vote. Vote. Vote

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon