Weekend finally came at naglalakad nako papuntang falls. Ilang araw ko din paulit-ulit na pinag isipan ang bagay na 'to. Kahit saang anggulo naman tingnan talo pa rin ako.
I saw him sitting at a rock near the falls. Nang lumingon siya sa direksyon ko bigla naman lumiwanag ang mukha niya at napatayo kaagad. "You came. So, I guess it's a yes."
I just rolled my eyes at him "Let's just get this over with. Ano bang gagawin ko?" Inis kong sabi sa kanya.
"Chill ka lang. Hindi tayo dito. Come with me." He wants me to go with him?
"No. Dito lang tayo. At saan mo naman akong planong dalhin ha?" Baka mamaya kung ano na namang kamanyakan ang pumasok sa utak niya.
"We can't stay here. Wala dito ang kontrata. Isa pa, pano kung may makakita sa ating dalawa dito? Remember, weekend ngayon paniguradong may mga nagbabalak na pumunta ngayon sa talon." Paliwanag pa niya.
"Anong kontrata ang sinasabi mo diyan?!" Nababaliw na ba siya? "You know what, forget it. Wala kang kwentang kausap. Bahala ka na sa kung anong gusto mong gawin." Sabi ko pa sa kanya at nagsimula ng maglakad paalis.
Pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang naramdaman ko na lang ang pag-angat ko mula sa lupa. "Hey! What the fuck are you doing?!" Kinarga niya lang naman ako na parang isang sako ng bigas.
"You sound sexy when you curse at me, Xena. Pero wag ka ng masyadong malikot diyan. Mahihilo ka lang." He told me then he slapped my butt!
"You jerk!" At hinamapas-hampas ko siya sa likod. We stopped in front of a car. As he opened the front seat, basta niya na lang akong inupo doon at sinara agad ang pinto. Umikot naman siya agad papuntang driver's seat at agad na pinaandar ang kotse paalis.
"Where the hell are you taking me?! This is kidnapping!" Sabi ko pa sa kanya habang nasa biyahe kami. Wala akong ibang makitang mga bahay sa paligid. It was like we are going deeper into the mountains.
"Just relax, wala akong gagawin sayo." He said as he continued driving. Huminto kami sa isang cabin sa gitna ng masukal na gubat. I didn't know na pwede pa lang tayuan ng ganto ang lugar na 'to.
"Where are we?" Tanong ko sa kanya nang patayin niya ang makina ng sasakyan.
"At my secret place." Sagot niya pa at bumaba na ng sasakyan. Tinanggal ko na din ang seat belt ko at bumaba. Tumingin ako sa paligid at puno lang ang nakapaligid sa bahay. Medyo malayo din to mula sa main road na dinaanan namin kanina. Kung may balak man siyang masama sakin paniguradong walang akong mahihingan ng tulong.
"Why are you still standing there? Pumasok ka na." Sabi pa niya habang pinagbubuksan ako ng pinto. Pano pala kung may kasama siya diyan tapos pagtulungan nila ako. Oh my god, Blair ano ba tong pinasok mo?
"Hindi ba pwedeng dito nalang tayo sa labas mag-usap?" Hindi niya ako pwedeng icorner sa isang closed area baka wala akong matakbuhan kung sakali.
Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "What? Why here, kung pwede naman sa loob? Tsaka napaka init dito sa labas." Pero hindi pa rin ako kumbinsido, umatras na lang kaya ako.
"Wait, iniisip mo ba na may gagawin akong masama sayo?" Natatawa niya pang tanong. Ano naman ang nakakatawa don? Posible naman talagang mangyari yun.
"You can't blame me, okay? Sapilitan mo akong dinala sa lugar na hindi ko alam kung saan tapos ngayon papapasukin mo ako diyan? Malay ko ba kung anong tumatakbo diyan sa utak mo?" Napailing nalang siya sa sinabi ko.