Pagkatapos naming kumain, nagpresinta ako na ako na lang maghuhugas ng pinggan. Nakakahiya naman na siya na nga ang nagluto, siya pa ang paghuhugasin ko. Isa pa, marunong naman ako sa mga gawaing bahay. Nagsimula na akong maghugas as he excuse himself at magbibihis daw muna siya.
Pero bigla na lang akong napaigtad nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. I feel his breath on my nape. Shit!
"What are you doing?" Tanong ko pa sa kanya habang pinipilit na tapusin ang paghuhugas. Nilapit niya naman ang baba niya sa balikat ko at ipinatong ito doon.
"Hugging you." Sagot niya pa as he draw circle on my belly. I felt my breathing became uneven.
"Stop that, may ginagawa ako." Sabi ko pa sa kanya. Pero mas lalo niya lang sinandal ang ang sarili niya sakin kaya naipit ako sa may lababo.
"Just continue what you're doing while I do my thing." Sabi niya pa at sinimulang patakan ng maliliit na halik ang leeg ko. Nanginginig ako habang nagsasabon ng mga plato.
"Hmm, you smell immaculate as always, mi bella." Sabi niya pa habang inaamoy ang buhok ko. Fuck! Why am I letting him do this! Hindi ko alam kung paano ko natapos ang paghuhugas ng pinggan. Agad naman akong kumawala sa yakap niya at hinubad ang apron.
"Tigilan mo yang kahalayan mo, Montesilva." Tsaka ko binato sa kanya ang apron. Natawa naman siya sa ginawa ko.
Bumalik ako sa sala at binuksana ng tv. Di nagtagal sumunod naman siya sakin. "Tsk, pwede bang iba na lang ang panoorin natin." Reklamo niya pa. Napatingin naman ako sa kanya.
"Don't tell me hindi mo kayang manood ng horror movies?" Nanunuya kong tanong sa kanya. Duwag pala to eh.
"Hindi ah, ang boring lang kasi ng mga ganyan." Sabi niya pa. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Well, wala kang magagawa kung yan gusto kong panoorin." Padabog naman siyang umupo sa tabi ko. Binaling ko naman ang tingin ko sa tv at nagfocus na sa panonood. Pero hindi ko rin naenjoy ang movie dahil sa kanya.
"Shit! Fuck that ghost!" Kanina pa siya ganyan bigla siyang sisigaw pag may lilitaw na multo sa screen dahilan para hindi ako makapag concentrate. "Fucking go to hell, you fucking ghost!" Sigaw niya pa ulit.
Naiinis naman akong tumingin sa kanya. "Can you just keep your freaking reactions to yourself? Hindi ako makapanood ng maayos dahil sayo!" Para pa siyang tanga na tinatago ang sarili sa likod ng isang unan. Di pala takot ha.
Nabigla naman kami nang bumuhos ang malakas na ulan. Rinig mula sa bubong ang ulan sa labas. Tumingin naman ako agad sa bintana at nakita kung gaano kalakas ang ulan.
"Patilain na lang natin ang ulan tapos ihahatid na kita pabalik ng university baka may klase ka pa eh." Rinig kong sabi niya.