CHAPTER 27

577 32 0
                                        


Agad na humupa ang tawanan namin ni Timothy kasabay ng pagkabura ng mga ngiti ko sa labi. My face went stoic as I inhaled deeply and look at his way. There I saw him,with his usual disguise look as my bodyguard. He's looking at us specifically at Timothy and if looks could kill kanina pa bumulagta sa semento ang kaibigan ko.


"Do you know him, Xena?" Tanong pa sakin ni Timothy habang nakatingin kay Rogue. I actually forgot that they haven't met each other 'til now.


"Yeah...he's my bodyguard." I answered without even looking at him.


Kung kanina ay masaya lang kaming nagkukulitan ni Timothy ngayon na nakita ko ang pagmumukha niya bumalik na naman sa alaala ko ang nalaman ko kanina galing mismo sa bibig ng Stacy na yun.


"Kailangan niyo na ho umuwi, maam." I could sense the sarcasm in his voice. He's still throwing dagger looks at Timothy while clenching his jaw. Ano bang problema niya? Is he...jealous? Ha! The audacity of this guy!


Matalim pa ang naging titig ko sa kanya bago lumingon kay Timothy at ngumiti. "I have to go, Tim.." Sabay kuha ng mga libro kong hawak niya. Nagtaka naman ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sa may tenga ko tsaka bumulong. "Okay ka lang ba na kasama yan? Mukhang badtrip ata yung bodyguard mo.. sama ng tingin sa'kin eh." Natatawa niya pang sabi.


Hindi ko naman mapigilan na matawa sa sinabi niya. "Ayos lang ako.. sige una na'ko. Kita na lang tayo bukas." Paalam ko pa sabay tapik sa balikat niya. Tumango naman siya sa'kin.


Lumingon ako ulit kay Rogue na mukhang sasabog na at nakakuyom pa talaga ang kamao. "Let's go.." At agad na nilagpasan siya. Hindi kagaya ng dati, sa backseat ako sumakay at bago pa siya makapasok ng sasakyan I immediately put on my air pods, played some music and set its volume to maximum.


Ayoko muna ng kahit na anong usapan between him and me baka kung ano pang masabi ko na hindi maganda. Mainit pa ang ulo ko sa kanya. Umandar na ang kotse at wala akong ibang ginawa kung di tumingin sa mga nadadaanan namin.


Kaya ba siya wala kanina ay dahil napuyat siya sa ginawa nila nung Stacy na yun?! Ha! Ang lakas pa talaga ng loob niyang magpakita sakin na parang wala siyang ginawang kalokohan. Kung namimiss niya naman pala ang babaeng yun ba't ginagawa niya pa ang mga bagay na 'to?


PAGDATING ng bahay ay agad na akong lumabas ng sasakyan at agad na umakyat sa kwarto ko. Sinigurado ko na naka lock ang pinto. I also checked my balcony's door and made sure that it's locked as well. I'm pretty sure na pupuslit na naman siya dito sa kwarto ko.  Daig pa naman niya ang isang akyat bahay. Ayaw ko pa siyang makausap.


Pabagsak naman akong humiga sa kama. Ngayon ko na naramdaman ang pagod sa buong araw. Naputol naman ang pagkakatulala ko nang magvibrate ang cellphone ko. I immediately checked it and saw that I received a text from him.


Baby, let's talk.


If this was a different day baka kiligin pa ako sa text niya. I turned off my phone and throw it somewhere on my bed. Ano pa bang pag-uusapan namin?! Huling-huli ko na siya sa mga kalokohan niya. I'm sure na kahit sabihin ko pa sa kanya kung ano talaga ang narinig ko kanina, pabubulaanan niya lang lahat ng  yun. Wala naman ding baliw na tao ang aamin sa mga kalokohan na ginagawa niya.

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon