Pagkatapos ng tagpong yun sa library, hindi pa maawat ang bibig ni Sam kakakwento tungkol don sa Rogue na yun. Wala na din ako nagawa kundi makinig nalang sa kanya. Come on, Blair. Alam mo naman sa sarili mo na curious ka din.
"So ayun nga, kaya siya binansagan na black sheep ng family nila dahil sa mga pinaggagawa niya.."
"Ano naman yung mga yun?"
"Hay naku, Blair. Kulang pa ang mga daliri ko sa kamay na pamilang sa mga naging kalokohan nung Rogue na yun pati yung mga pinsan niya. Mahilig kasi mag bar hopping yung mga yun. Mahihillig din sa mga babae. Di ko na ata mabilang kung ilang babae hindi lang dito sa Almeria pati na rin sa katabing bayan ang umiyak dahl sa magpipinsan na yun." Nakangiwing sabi niya.
So, playboy pala siya?
"What's the connection of those things about him being the black sheep of their family?" Kahit mga pinsan ko, mahilig din naman sa babae.
"Takaw-gulo din kasi yan sila lalo na si Rogue. Mainitin daw kasi ulo nun kaya laging napapaaway sa mga lasing dun sa bar. Syempre kawawa yung mabubugbog nila kasi nga pinagtutulungan nilang magpipinsan. Tyaka balita din na hindi siya kasundo ng tatay niya. Eh ikaw ba naman laging nasasangkot sa iba't-ibang klase ng gulo, di ba?.."
Nakakatakot naman pala siya.
"...At alam mo ba ang pinaka nakakalokang balita tungkol sa kanya?" Tanong niya pa sakin ng pabulong.
"What?"
Lalo pa siyang lumapit sakin sabay tingin sa paligid bago bumulong. "Bali-balita na nakabuntis daw yan.." Gulat naman akong napatingin sa kanya.
He got someone pregnant? "Are you sure about that?"
But she just shrugged. "Well, yun yung naging bali-balita. Akala pa nga ng marami ipapakasal siya dun sa nabuntis niya 'daw'. Kasi di ba ganun naman talaga sa inyong mga mayayaman, arranged marriage ang ginagawa."
Aba, malay ko dun. Eh wala pa naman nakakabuntis sa pamilya namin.
"Then, what happened after that?"
"Hmm, wala din kaming nabalitaan eh. Mabilis lang din na namatay yung balitang yun pero hindi naman ibig sabihin nun na nakalimot na yung mga tao. Pero alam mo kahit maraming hindi magagandang balita tungkol sa kanya, meron pa rin naman siyang magandang quality." Nakangiti naman niyang sabi.
"Bukod sa gwapo siya kagaya ng mga pinsan niya, malambing din siyang kuya sa kapatid niyang babae na si Solana. Alam mo kung makikita mo lang kung gaano ka sweet sa kapatid niya, paniguradong magdadalawang isip ka kung black sheep talaga siya ng family nila. Protective kasi yun kay Solana."
