"W-WHAT did you just say?"
Ate Claudia was beyond shock about what I told her. Andito kami ngayon sa condo niya na malapit lang din sa university. Tinawagan ko siya pagkatapos ng klase ko kanina. Wala na kasi akong maisip na ibang tao na pwede kong makausap lalo pa't wala si Rogue. "Sabi ko alam na ni mommy ang tungkol sa relasyon namin ni Rogue."
"What?! Paanong—paano niya nalaman? Nahuli niya ba kayo?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Someone saw us, hindi niya sinabi kung sino. Basta ang alam ko lang may nagsumbong sa kanya.."
Naihalamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at gulat pa rin na nakatingin sakin. "What did she say? Nagalit ba siya—I mean hindi na ako magugulat dun. How stupid of me to even ask that."
Nag-iinit na naman ako ang sulok ng mata ko. Akala ko na lahat kagabi pero mukhang hindi pa pala. "G-galit na galit siya. Hindi niya matanggap na pumatol ako sa isang Montesilva." Naiiyak ko pang sumbong sa kanya.
"Oh, Blair.." Dali-dali niya akong dinaluhan sa sofa tsaka mahigpit na niyakap.
"H-hindi ko siya maintindihan, kung bakit ayaw n-niya samin. A-alam kong may alitan ang mga l-lolo natin pero labas naman kami don."
She was just hugging me trying to comfort me. Para ng sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Gulong-gulo na din ang utak ko sa kung anong dapat kong gawin.
NANG mahimasmasan na ako ng konti ay tsaka siya humiwalay sakin sa pagkakayakap sakin. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sakin.
"Ano pang sinabi niya sayo?"
"S-she wants me to break up with him.. pero s-sabi ko hindi ko kaya. I even beg to her. S-sabi ko susundin ko lahat ng gusto huwag niya lang ipagawa sakin yun pero...pero matigas pa rin siya."
"Oh my god.."
"She even threatened me na kung hindi ko hihiwalayan si Rogue ay mapipilitan siyang sabihin kay daddy ang tungkol samin. I-I don't know what to do anymore. Gulong-gulo na 'ko." I never expect that my mom will be able to do that to me.
"Nasabi mo na ba kay Rogue na alam na ng mommy mo?" Tanong niya pa.
Umiling naman ako sa kanya bilang tugon. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya? Kailangan niyang malaman ang nangyayari sayo, Blair. Hindi yung ikaw lang ang pumapasan sa problema niyong dalawa."
"Ayoko na kasi siyang mag-alala pa. Lalo ngayon na malayo siya sakin tapos sobrang pressured niya pa dahil sa ginagawa niyang training para sa kompanya nila. Ayoko ng dagdagan pa ang inaalala niya."
"What? Are you even hearing yourself? Hindi mo masosolve ang problemang 'to ng mag-isa."
Wala akong naisagot sa kanya. Alam ko naman na malaking problema nga 'tong kinakaharap naming dalawa pero kasi alam ko din na nahihirapan siya sa ginagawa niya doon sa States na hindi ko magawang sabihin sa kanya ang problema namin.
Halos tuwing umaga na lang kami halos nakakapag-usap kung kelan gabi naman doon. At halata sa boses niya ang matinding pagod kapag nagkakausap kami. Ilang beses niya ding nabanggit kung gaano siya napepressure dahil sa daddy niya.
"Tsaka na lang siguro pag nakabalik na siya." Sagot ko pa.
Hindi makapaniwala namang napatingin sa akin ni Ate Claudia. "Blair, are you even thinking right now?! Dalawang buwan siyang malayo sayo, sa tingin mo ba talaga kayang maghintay ng mommy mo ng ganun katagal na panahon? Paano kung tanungin ka niya mamaya pag-uwi o di kaya bukas kung nakipaghiwalay ka na ba sa kanya? Anong sasabihin mo?"