CHAPTER 17

613 34 1
                                    

Dalawang araw pagkatapos ng tagpong yun sa bar, hindi ko pa ulit nakikita si Rogue. Wala na din siyang pinapagawa sa 'king mga bagong projects. Mabuti na din yun lalo na ngayon ang dami naming ginagawa para sa major subjects.


"Sabay pa talaga halos yung ibang major subject sa mga group projects. Hindi na namin alam kung anong uunahin." Kwento pa sa'kin ni Sam. Andito kami ngayon sa library at nagrereview para sa quiz namin bukas."Kayo Blair, kamusta naman mga kagrupo mo?"


"They're fine naman. It's a good thing na they're cooperating well. Kahit papano wala kaming nagiging problema sa paggawa." Sabi ko pa sa kanya.


"Naku buti ka pa samantalang yung mga groupmates ko.. ayun nagpapaligsahan sa pagiging tamad. Mga pabuhat ang mga piste! Naiinis na nga ako eh." Sabi niya pa.


"Why don't you talk to them about it?"


"Ginawa ko na yan pero ang daming dahilan ng mga kupal. Kesyo ganito kesyo ganyan, eh ako nga nagtatrabaho pa 'ko pagkatapos ng klase natin pero nagagawa ko naman ang parte ko sa project. Problemado tuloy yung leader namin." Kwento niya pa.


"Swerte mo diyan sa mga kagrupo mo, syempre hindi sila pwedeng tatamad-tamad lalo pa't kagrupo ka nila. Lagot sila pag bumagsak ka ng dahil sa kanila." Dagdag niya pa.


"Hindi naman siguro. They're just really responsible group mates.." Depensa ko pa. Hindi naman pwedeng dahil lang sakin kaya sila gumagawa ng project. Besides, all of us will benefit from it hindi lang naman ako.


"Sabagay, yung akin lang naman ata ang hindi. Hay hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga yun." Himutok niya pa.


"Oo nga pala, may naalala ako.."


"What is it?"


"May something ba kayo ni Rogue Montesilva?" I froze.


"H-ha?"


"Hotdog."


Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "What?"


"Hehe. Wag mo ng intindihin yun. So ano, may something ba kayo?" Tanong niya pa ulit.


"W-wala ah. Ba't mo naman natanong yan?" Shit! May sinabihan ba siya tungkol sa nangyari sa'min?!


"Narinig ko kasi yung usap-usapan kahapon. Nagkainitan daw sila nung lalaking kasama mo sa bar nung isang gabi. Akala tuloy ng iba ikaw ang dahilan non kasi nga andon ka din. They all thought that Rogue was hitting on you." Napatanga ako sa sinabi niya.


WHAT?!


"That's not the true story behind it."

ETERNALLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon