PAREHO kami ni Ate Claudia na gulat habang nakatingin sa isa-isa. Anong gagawin ko?! May nakakaalam na. Paano kung magsumbong siya?
"A-ate.."
"W-what are you doing here... with him?" Aniya habang nakatingin kay Rogue. Kita ko ang kalituhan sa mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya.
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Rogue sa kamay ko. Bumaba naman ang mga mata niya sa magkasiklop naming kamay. Agad siyang napatakip ng bibig na tila nakuha na niya ang kasagutan sa mga katanungan niya.
"No.. Don't tell me--- Blair, what have you done?"
"A-ate please.. let me explain.." Unti-unti ng nanunubig ang aking mga mata sa sobrang takot at kaba sa mga susunod na mangyayari.
Bago pa ako makapagsalita ay mabilis siyang naglakad palapit sakin sabay hawak sa braso ko.. "Follow me.." Hatak-hatak niya ako habang hinatak ko din kasama namin si Rogue. Tumigil kami sa isang eskinita na hindi kita sa mga dumaraan.
Mabilis niyang binitawan ang braso ko at halos masabunutan na niya ang kanyang buhok habang nakatingin samin.
"A-ate.."
Seryoso siyang tumingin samin. "Both of you, stay here. I'm with Wyatt, Ryder and Jax. Kapag nakita ka nilang kasama ang lalaking yan paniguradong gulo, naiintidihan mo ba?" Nahigit ang aking hininga sa sinabi niyang yun. Hindi ako makapaniwala na maging sila ay nandito rin.. lalo na si Jax.
"Papaunahin ko silang umuwi ng Almeria.. dito lang kayo at babalikan ko kayo." She didn't waste any time at agad na naglakad palayo samin.
Muntik na akong matumba sa sobrang panlalambot ng aking mga tuhod buti na lang nasalo ako agad ni Rogue. Niyakap niya ako ng mahigpit tsaka ako napahagulhol.. "A-anong gagawin natin? Alam na ni Ate Claudia.. baka sabihan niya sila mommy tapos paghiwalayin nila tayo." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Hindi ko na ako makapag-isip ng tama kung paano pa namin to malulusutan.
Pinahid niya naman ang mga luha ko sa mata. "Don't cry, baby. Hindi ko hahayaan na umabot sa ganun." Paninigurado niya pa sakin pero hindi ko pa rin magawang hindi matakot. Paano kung paghiwalayin nga nila kami?
Halos kalahating oras din kaming naghintay sa kanya bago siya nakabalik. "Napauwi ko na sila. You.." Tukoy niya kay Rogue. "...drive us into somewhere private."
Tahimik kaming naglakad pabalik ng sasakyan, hindi bumitaw sakin si Rogue. Sumakay si Ate Clauida sa passenger seat habang ako naman sa shot gun seat. Rogue drove us to a private restaurant. He even got a private room for us.
WALANG nagsasalita sa pagitan namin. Mataman lang siyang nakatingin sa amin ni Rogue. Nanlalamig ang mga kamay ko nang hawakan ito ni Rogue sa ilalim ng mesa.
"Kelan pa 'to?" Yun ang unang tanong na lumabas sa kanyang bibig.
"We're—"
"The one I'm asking is my cousin.. not you Mr. Montesilva." Mas lalong lumala ang tensyon sa loob ng silid.
"So, tell me Blair.."
"Nearing two months.."
Nakita ko siyang napapikit at malalim na napabuntong-hininga. Tumalim ang tingin niya sakin bago bumaling kay Rogue.. "Pwede bang iwan mo muna kaming dalawa?"
"No, hindi ko iiwan si Blair dito." Matigas na sabi ni Rogue sa kanya.
Imbes na masindak ay napangisi siya ng nakakaloko. "A piece of advice... this is not the right time para pairalin mo yang pagiging Montesilva mo sakin.." Nakita ko siyang dinukot ang cellphone mula sa kanyang bulsa. "...see this? Isang dial ko lang sa number ng mga magulang ni Blair mo paniguradong maghihiwalay kayo. Now, you choose...Mr. Montesilva.."